5 yrs. nang mag-dyowa pero ‘di maikasal dahil magkaiba ang relihiyon
- Roma Amor
- Mar 31, 2020
- 1 min read

Dear Roma,
Ako si Kristine, 28 years old at nagtatrabaho sa isang ad agency with good position. Ang boyfriend ko naman ay engineer and he is working sa telecommunications company. Almost 5 years na ang relationship namin at marami ang nagsasabi na dapat ay magpakasal na kami.
Pareho naman naming gusto magpakasal, pero mahirap sa aming dalawa dahil magkaiba ang aming religion.
Iglesia siya at Catholic ako, siyempre, mas gusto ng parents ko na sa Catholic church kami magpakasal, kaso hindi naman papayag ang parents niya. Ang naiisip ko na lang na gawin ay hiwalayan siya kahit alam kong pareho kaming masasaktan o magsama na lang kami without the blessing of marriage. Tama ba ito? – Kristine
Kristine,
Totoong nasa tamang edad na kayo boyfriend mo at kaya na ninyong mamuhay at bumuo ng pamilya. Sa tagal ng relasyon ninyo, siguradong mahal na mahal na ninyo ang isa’t isa, pero ang naiisip mong gawin para maayos ang inyong problema ay hindi tama at posibleng magpalaki pa ng problema ninyo. Magandang pag-usapan ninyong mabuti ang mga plano ninyo para maging maayos inyong buhay, gayundin, ipaalam ninyo sa inyong mga magulang ang napagdesisyunan ninyo. Huwag ninyong hayaan na may ibang magplano at magdesisyon para sa inyong dalawa. Sagrado ang pagpapakasal at pag-aasawa dahil ito ay pangako ninyong dalawa sa Diyos na magmamahalan habambuhay.





Comments