Taal volcano, nakapagtala ng halos 100 pagyanig
- V. Reyes
- Mar 30, 2020
- 1 min read

Naitala ang 93 pagyanig sa Bulkang Taal sa Batangas sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nasa tinatayang magnitude 1.8 hanggang 3.4 ang volcanic earthquakes.
Naramdaman ang Intensity I hanggang II sa Barangay Banyaga, Bilibinwang at Subic Ilaya, sa bayan ng Agoncillo.
Mayroon ding mahinang pagbuga sa main crater at pagbitak sa Daang Kastila trail.
Sa ngayon ay nananatili sa Alert Level 1 ang Taal volcano.





Comments