top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pagtatanggol ni Pacman kay Sen. Koko, panira ng pogi points sa madlang pipol

  • Pabs Hernandez III
  • Mar 30, 2020
  • 1 min read

PAGTATANGGOL NI PACMAN KAY SEN. KOKO, SABLAY—Sablay ang pagtatanggol ni Sen. Manny Pacquiao kay Sen. Koko Pimentel nang sabihin niyang normal lang na samahan nito ang misis sa pagpapa-check-up sa ospital, kahit person under investigation (PUI) ito sa COVID-19, na kalaunan ay nagpositibo sa virus.

Dahil sa sablay na pagtatanggol kay Sen. Koko, ang pogi points na pamimigay ni Pacman at ng kaibigan niyang si Jack Ma ng mga Personal Protective Equipment (PPE) sa mga health workers at COVID-19 testing kits sa DOH, natabunan na ng pamba-bash sa kanya ng publiko, boom!

◘◘◘

ANG LUPIT NG TRAFFIC ENFORCER NG VALENZUELA CITY—Ang lupit naman ng traffic enforcer sa Valenzuela City kasi nagawa niyang tiketan ang magkapatid na health workers na magkaangkas sa motorsiklo pauwi sa kanilang bahay.

Bagama’t bawal ang magkaangkas sa motorsiklo sa panahon na may coronavirus sa bansa, ang dapat sanang ginawa ng traffic enforcer ay nag-warning na lang na sa susunod ay hindi na puwede ‘yun, pero hindi ganyan ang ginawa, kundi tiniketan pa na may penalty na P5K na halos kalahati ng suweldo ng rider na health worker, buwisit!

◘◘◘

IMBES NA MGA PINOY, POGO CHINESE WORKERS ANG PINAGLILINGKURAN NG 2 PARAK—Nasa 20 Chinese na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) workers, na may escort na dalawang pulis ang nasabat sa police checkpoint sa Cagayan.

Ang dapat sa dalawang pulis na ‘yan ay sibakin agad sa serbisyo kasi imbes na mga Pinoy ang paglingkuran sa panahong nanalasa ang coronavirus sa bansa, ang pinaglilingkuran ay mga Chinese POGO workers, mga pwe!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page