top of page
Faith Da Silva at Sam Verzosa - IG.jpg

NAIA, balik-operasyon matapos ang pagliyab ng eroplano sa runway

  • V. Reyes
  • Mar 30, 2020
  • 1 min read

Naialis na ang eroplanong nasunog kagabi at muli na ngayong nadaraanan ang Runway 06/24 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Spokesperson Eric Apolonio, alas-5:04 ng madaling-araw nang magbalik sa normal ang operasyon sa NAIA.

Matatandang bandang alas-8:00 kagabi nang masunog ang WestWind 24 aircraft ng Lionair Inc., na ikinamatay ng lahat na walong pasahero nito. Kabilang dito ang anim na Filipino, isang Canadian at isang Amerikano.

Patungo sana ng Haneda, Japan ang eroplano na may medical evacuation mission.

Kasabay nito, sinabi ni Apolonio na hindi bumagsak kundi nagkaroon ng problemang teknikal ang eroplano habang papa-take off ito ng runway.

Bago ang biyahe kahapon ay naghatid pa ng medical supplies sa Iloilo ang eroplano kaya hindi makukuwestyon ang airworthy bukod pa sa lisensyado ang mga piloto nito.

Inaalam na ng mga imbestigador ng CAAP kung may black box recorder ang eroplano.

Sa ngayon ay grounded o hindi muna pinalilipad ang buong fleet ng nadisgrasyang eroplano.

"Right now, the initial step that we are looking into is grounding the whole fleet. It's quite alarming, but we are looking into the records deeply," ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Deputy Director-General for Operations Captain Don Mendoza.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page