top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Alamin mula kay Señor... Mga paraan para labanan ang sipon na sintomas ng COVID-19

  • Sr. Socrates Magnus II
  • Mar 30, 2020
  • 2 min read

Bigyang-daan natin ang pagpapatuloy sa kasaysayan ng mundo na may kaugnayan sa mga salot, peste at mga karamdamang pumatay ng napakaraming tao.

Araw-araw, dumadami ang nagpo-positibo sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19, gayundin, dumarami ang mga namamatay at may ilang gumagaling.

Ang COVID-19 ay hindi nakikitang kaaway ng mundo dahil ang virus ay hindi kayang makita ng mga mata ng tao, pero tulad ng hangin na hindi nakikita, nararamdaman naman natin ang epekto nito.

Wala mang gamot sa COVID-19 at sipon, may mabisang paraan upang labanan ang sipon at maaari din itong magamit na panlaban sa COVID-19. Ito ay ang paglanghap ng mainit na tubig. Kailangang magpapakulo ng tubig at ilagay sa maliit na batiya, kumuha ng kumot at magtalukbong kasama ang pinakuluang tubig.

Ito ang epektibong paraan para labanan ng sipon na sinasang-ayunan ng marami, maging ng mga doktor. Ang paraang ito ay mabisang pantanggal ng mga plema sa ilong at lalamunan.

Ayon sa mga dalubhasa, ang COVID-19 ay papasok sa katawan, maaaring sa pamamagitan ng paghawak sa bibig, ilong o mata, gayundin, ito ay mananatili sa lalamunan kaya ang lahat ng may COVID-19 ay nagkaroon ng pananakit ng lalamunan.

Dahil dito, kapag sumakit ang lalamunan—may COVID-19 man o wala— kailangan agad gumawa ng paraan para mawala ang pananakit ng lalamunan.

Karaniwang sanhi ng pananakit ng lalamunan ang mikrobyo, bakterya, virus at iba pa. Anuman ang nasa lalamunan, magandang uminom ng maligamgam na tubig upang mawala ito, gayundin, iminumungkahi na magmumog ng mga pangmumog na mabibili sa botika dahil ang mga ito ay inimbento para linisin ang bibig at lalamunan.

Inirerekomenda naman ang pagkain ng candy dahil kapag may laman ang bibig, nagpo-produce ito ng saliva o laway kung saan ang laway ang nagsisilbing panlaban sa mga mikrobyo na papasok sa bibig.

Maganda rin na kumain ng isang kutsarang edible oil kung saan bago lunukin ay panatilihin muna sa bibig at tumingala at igalaw ang ulo nang sa gayun ay umabot ito sa lalamunan saka lunukin, as in, hayaang matulog sa tiyan ang edible oil.

Sa ganitong paraan, ang mga mikrobyo sa lalamunan at bibig ay tatangayin ng edible oil papunta sa tiyan.

Itutuloy

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page