top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Tindera positibo sa COVID-19, Trabajo market naka-lockdown

  • Mylene Alfonso
  • Mar 29, 2020
  • 1 min read

Isinailalim na sa lockdown ang Trabajo market matapos na magpositibo sa COVID-19 ang isang tindera ng karne sa palengke.

Gayunman, binatikos ng kaanak ng tindera ang ginawang pagbubulgar ni Chairwoman Leticia de Guzman ng Bgy. 453 Zone 35 Distric 4 ng Maynila.

Ayon kay Eliza Yago-Angeles, mabilis na kumalat sa Facebook ang pagkakilanlan ng kanyang hipag na nagdulot ng anxiety sa kanilang pamilya dahil pinandidirihan na sila sa kanilang lugar at nasira na rin ang negosyo ng kanyang hipag.

Sinabi ni Angeles na nabigla sila kung paano kumalat ang impormasyon. "Hindi naman tama ginawa ni Chairwoman Letty dapat sana protektahan niya 'yung constituent niya na hindi naman din gusto o kagagawan nu'ng pasyente nangyare sa kanya, ni hindi kami kinausap bigla na lamang nilabas nila pati picture ng hipag ko ini-screen shot at pinagpiyestahan sa Facebook,” ayon kay Angeles.

Nabatid na ang pasyente ay isang 62-anyos na babae na diabetic at may pulmonary recurring sickness.

Matatandaang noong Pebrero ay na-admit ang pasyente sa Manila Medical Center dahil sa sakit na pneumonia pero, pinauwi matapos umayos ang kanyang kondisyon.

Wala umano itong travel history at ang aktibidad lamang nito ay magpunta sa kanyang meat shop araw-araw.

Nang pumutok ang balita sa COVID-19 ay nag-self-quarantine sa bahay ang pasyente at tanging ang mga worker niya ang nagtinda.

Noong Marso 14 ay nagkaroon ng lagnat at nakaramdam ng panghihina ang pasyente at nakaranas din ng hirap sa paghinga kaya dinala sa Philippine General Hospital (PGH) at nitong Marso 24 lumabas ang resulta ng test mula sa RITM at itinext ang resulta sa pasyente na positibo ito sa virus.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page