top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Stock ngayong Abril, tipirin... Kakulangan ng suplay ngayong Mayo, Hunyo at Hulyo, paghandaan

  • Ka Ambo
  • Mar 29, 2020
  • 2 min read

TALIWAS sa takot ng marami, may sobra-sobrang suplay ng produkto ngayon sa Metro Manila.

Ito ay ngayon, pero sa Abril o Mayo o Hunyo ay walang linaw!

◘◘◘

ANG ginagamit ngayon ng mga konsiyumer ay minapaktura noong Pebrero, Enero at Disyembre.

Pero, ngayong Marso ay sarado ang mga pabrika kaya ang suplay ay nagmumula sa mga bodega at warehouses.

Kahit ngayong Abril ay may sapat pang suplay!

◘◘◘

ANG dapat paghandaan ng lahat ay ang suplay ngayong Mayo, Hunyo at Hulyo.

Ang inyong stock ay dapat inilaan sa mga naturang buwan.

Huwag ubusin ang stock ngayong Abril.

Sikaping bumili o maghanap ng suplay na ginagamit ngayong Abril—paghandaan ang Mayo, Hunyo at Hulyo!

◘◘◘

SA aktuwal, may sapat na suplay ang mga sari-sari store at palengke.

Hindi nagagalaw ang suplay at bodega sa Divisoria at Binondo dahil sarado ang mga establisimyento o naka-lockdown!

◘◘◘

GAYUNMAN, kung aabutin ng dalawa o tatlong buwan ang total lockdown, maaaring maradaman ang “hindi normal na galaw ng suplay”.

Ito ay dahil, sarado ang mga establisimyento at mauubos na rin ang “itinabing salapi” ng mga tao!

◘◘◘

WALANG trabaho ang mayorya ng mga konsiyumer at wala nang pambili sa mga sari-sari store at palengke.

Ngayong Abril, wala nang makikitang pila o bibili sa mga tindahan—dahil sa iisang dahilan: Walang available “cash” ang mga konsiyumer!

◘◘◘

NGAYONG Mayo, Hunyo at Hulyo, kahit may produkto ang mga tindahan—pero wala namang “cash available” ang mga konsiyumer.

Sa totoo lang—sa mga panahon ‘yan—dapat nang ginagamit ang istak!

◘◘◘

ANG presyo ng manok ay ibinagsak na ang “farm prices” sa P30 hanggang P50 kada kilo.

Batay sa supply and demand, bumagsak ito—dahil walang buyers.

Kakaunti na ang “traders o middleman” na maglalakas ng loob na bumiyahe—dahil—walang gaanong buyers dahil sa lockdown!

◘◘◘

SA panahon ng “Japanese occupation”, ikinukuwento ng aking Inang Talia at Tatang Sucing na kahit ibinebenta nang “piso” ang kalabaw—walang bumibili nito.

Ito ay dahil “walang cash” ang mga tao!

◘◘◘

ANG “senaryo” na “walang cash” ang mga tao—ay hindi nakikita ng mga eksperto.

Sa senaryong “walang cash” ang mayorya ng populasyon dahil “walang trabaho at walang negosyo”—mawawala ang “demand”.

Kapag walang “demand”—ang presyo ng suplay ay bababa.

Pero kahit mababa ang presyo—wala pa ring bibili rito—dahil walang salapi ang mga tao!

◘◘◘

PAULIT-ULIT ang sinasabi sa “press conference ay ang pag-a-update ng datos ng bilang ng mga may sakit, namatay at nakumpirmang may virus—pero walang sinasabi o ipinapayo sakaling lumala ang sitwasyon.

Walang updates ang gobyerno kung ano ang alternatibong gagawin—kapag naging grabe ang sitwasyon.

Kapag hindi lumala ang sitwasyon, siyempre, “hindi ‘yan pinaghahandaan”.

Ang worst scenario ang dapat paghandaan—at “bokya” riyan ang mga awtoridad!

◘◘◘

SA aktuwal, ang dapat ipostura at ikampanya ng gobyerno—ay ang “urban gardening” o “home-based agri-survival”.

Ibig sabihin, imbes na pagkain—ibigay sa mga tao ay binhi ng gulay, fertilizers at tools—upang magtanim ng gulay sa bawat bakuran.

Sa loob ng 45 hanggang 60 days—mapakikinabangan na ang mga gulay!

◘◘◘

IMBES na food package, dapat “live poultry” at feeds—ang ibigay sa mga residente.

Ito ay upang may magamit silang “itlog at karne” kung sakaling lumala ang sitwasyon.

Walang ganyang senaryo ang mga nasa pamahalaan.

Mahahalata na sila ay “utak-‘Koko’”—pormang matalino, pero kapos sa praktikalidad at sentido-kumon.

Iisa ang dahilan: Sila mismo ang nagpa-panic!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page