Sports facilities ipahihiram sa DOH para sa COVID-19 patients
- VA
- Mar 29, 2020
- 1 min read

Pansamantalang gagawing mga medical facilities ang Rizal Memorial Sports Complex sa lungsod ng Manila at ang Philsports Complex sa Pasig City upang matulungan ang mga hospital na napupuno na dahil sa patuloy na paglaki ng bilang ng mga may kaso ng coronavirus o COVID-19.
Sinusuri na ang dalawang sports facilities ng Department of Public Works and Highways at inaalam kung paano ito magagamit base na rin sa itinakda ng Department of Health.
Sa Philsports Complex ay planong gawing "field hospitals" ang Multi-purpose Arena at ang track oval, gayundin ang Rizal Memorial Coliseum, Ninoy Aquino Stadium at Rizal Baseball Stadium.
Ayon kay PSC chairman William Ramirez, boluntaryong inialok ng sports governing body ang mga nasabing government facilities bilang mga options pagkaraang umabot na ng libo noong Sabado ang may coronavirus infections sa bansa.
“They are government facilities, so we were already anticipating that it might come to that point,” ani Ramirez.
Mayroon na lamang 30 mga atleta at coaches, sampu ng mga medical at admin staff at security personnel na umaasiste sa kanila ang natitira sa nasabing mga pasilidad matapos na pauwiin ang mga national athletes dahil sa naunang ipinatupad na enhanced community quarantine.
Ayon naman kay National Training Director Marc Velasco, sinisiguro ng PSC na ia-isolate ang mga atleta at kasama nilang mga personnel habang ginagamit ang mga venues bilang field hospitals.





Comments