top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mga PUIs, ‘wag pauwiin sa bahay, bigyan ng angkop na matutuluyan

  • Nancy Binay
  • Mar 29, 2020
  • 2 min read

Ngayon nagiging full capacity na ang mga ospital, tinatawag natin ang pansin ng ating mga health at local official na tingnan kung maaaring gawing quarantine facility ang Rizal Memorial Complex at iba pang sports complexes.

Sa pagkakaroon ng quarantine facility, makatutulong ito upang maiwasan ang lalo pang pagkalat ng virus sa mga komunidad.

Maaari ring gawing quarantine facility ang mga hotels sa mga lalawigan, tulad ng ginawa ng LGU ng Tabaco sa Albay.

Ito ay upang may matuluyan ang mga PUI na naghihintay ng kanilang test results at upang maiwasang pauwiin sila sa kanilang mga tahanan.

Kailangan lamang na masigurong sinusunod ang protocol tungkol sa kalusugan at biosafety kung gagamitin ang mga pasilidad.

◘◘◘

Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay.

Ipagpatuloy natin ang pag-obserba ng social distancing, palaging maghugas ng mga kamay gamit ang sabon at tubig, at pagsunod sa cough etiquette.

◘◘◘

Isang malungkot na balita ang dumating sa aming pamilya nitong nakaraang linggo. Pumanaw ang aming Tito Menggie Cobarrubias, na kapatid ng aking ama sa APO at isang matagal nang supporter.

Madalas na emcee sa mga kampanya si Tito Menggie at minsan taga-distribute na rin ng mga materyales. Wala rin siyang arte sa katawan at isang mabuting tao, magiliw na kasama at tapat na kaibigan.

Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta Tito Menggie. Hindi ka namin makakalimutan.

◘◘◘

Tulung-tulong tayo upang masugpo ang virus.

Bigyang-halaga natin ang ating kalusugan at huwag kalilimutang magdasal.

Be Safe. Be Well. Be Nice!

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.

Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page