Mga health workers, humirit na mas kailangan ang PPE kaysa sa P1 milyong alok ng gobyerno
- Pabs Hernandez III
- Mar 29, 2020
- 2 min read
PERSONAL PROTECTIVE EQUIPMENT (PPE), MAS IMPORTANTE KAYSA SA P1 MILYONG TULONG NG GOBYERNO SA MGA MAMAMATAY NA HEALTH WORKERS—Hindi nagustuhan ng mga nurse ang pahayag ni P-Duterte na bibigyan ng P1 milyon ang mga mamatay na health workers sa paglaban sa coronavirus sa bansa.
Ayon kay Maristela Abenojar, president ng Filipino Nurses United (FNU), ang kailangan ng mga health workers ay mga personal protective equipment (PPE) para proteksiyunan ang kanilang mga buhay sa paglaban sa COVID-19 at hindi ang P1 milyon na kapalit ng kanilang buhay dahil tungkulin talaga nilang iligtas ang sinumang pasyenteng nadale ng deadly virus, period!
◘◘◘
WALANG KAPALIT NA PERA BUHAY NG MGA HEALTH WORKERS—Ang panawagan ng FNU kay P-Duterte ay ibili na lang ng gobyerno ng mga PPE ang budget na inilaan nito sa mga mamamatay na health workers para magkaroon sila ng proteksiyon sa sarili nang sa gayun ay marami silang mailigtas na COVID-19 patients.
Sana, sundin ng gobyerno ang kahilingan ng mga health workers kasi mas importante ang buhay ng mga nasa frontline kaysa pera, boom!
◘◘◘
INSULTO SA MGA VOLUNTEER HEALTH WORKERS ANG P500 DAILY ALLOWANCE—Nag-alok ang gobyerno ng P500 daily allowance sa mga private doctors at mga nurse na magbo-volunteer sa paglaban sa coronavirus.
Ang sakit naman sa damdamin ng mga health workers ang alok na ‘yan ng gobyerno kasi mantakin ninyo, buwis-buhay ang paglaban sa deadly virus, tapos P500 kada araw lang ang alok, samantalang si Mocha Uson, pa-selfie-selfie lang bilang opisyal ng OWWA ay P5K daily daw ang suweldo (P150K monthly), period!
◘◘◘
NGAYON PA LANG NAGPAPAHANAP NG TEMPORARY QUARANTINE AREAS ANG GOBYERNO—Inatasan ni Cabinet Sec., Inter-Agency Task Force (IATF) Spokesman Karlo Nograles ang mga local government units (LGU) na maghanap ng mga temporary quarantine areas para sa mamamayang tatamaan ng COVID-19 sa kanilang lalawigan.
Ganu’n? Pambihira, kung kailan marami nang tinatamaan ng coronavirus ay saka lang nagpapahanap ang national gov’t. ng quarantine areas, tsk-tsk-tsk!





Comments