May sakay na pasyente, doktor, nurse... Eroplano bumagsak, sumabog sa NAIA runway
- V. Reyes
- Mar 29, 2020
- 1 min read

Isang eroplano ang bumagsak, sumabog at nasunog sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bandang alas-8:00 ngayong gabi.
Batay sa paunang impormasyon mula sa Bureau of Fire Protection (BFP), alas-7:57 ng gabi nang mag-take off sa runway 06/24 ang RPC 5880 flight ng Lion Air.
Patungo sana ng Haneda airport sa Tokyo ang naturang sasakyang panghimpapawid.
Walo ang lulan ng eroplano para sa isang medical evacuation mission.
Kabilang sa mga sakay umano ay ang isang flight med, isang nurse, isang doktor, tatlong flight crew, isang pasyenteng Canadian at isang patient assistant.
Alas-9:02 ng gabi nang ideklarang fireout ang nasunog na eroplano.





Comments