Magagandang tanawin, sign na malaki ang chance makapag-abroad
- Socrates Magnus
- Mar 29, 2020
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Rose na ipinadala sa Facebook Messenger.
Dear Professor,
Lately po, madalas kong mapanaginipan ang magagandang tanawin tulad ng bukid na malalawak ang taniman at bundok na matataas kung saan may mga ibon lumilipad. Nasa panaginip ko rin ang malawak na karagatan na may mga barkong bumibiyahe.
Alam mo, pangarap kong mag-abroad, as in, iniisip ko na wala namang magandang mangyayari sa akin dito sa bansa natin kaya ang gusto ko talagang magtrabaho sa ibang bansa. May kaugnayan ba ang pangarap ko sa mga napanaginipan ko?
Naghihintay,
Rose
Sa iyo Rose,
Kapag ang tao ay nabubuhay sa kalungkutan, ang kanyang mga mapapanaginipan ay magagandang bagay o lugar. Sa ganitong katotohanan, masasabing hindi direktang may kaugnayan sa hangarin mong mag-abroad ang iyong mga napanaginipan, kumbaga, ang magagandang lugar ay napapanaginipan din ng mga taong wala namang pangarap mag-abroad.
Kapag ang tao ay nakatira sa pangit na lugar, siya rin ay makakapanaginip ng magagandang lugar kaya masasabi natin na walang kinalaman sa pag-a-abroad mo ang mga panaginip mo.
Ito ay dahil kung ano ang kailangan ng tao, ‘yun mismo ang mapapanaginipan niya.
Gayunman, malaki ang tsansa na makapagtrabaho ka sa abroad dahil kitang-kita na hindi maganda ang kalagayan mo sa kasalukuyan at ang tao ay hindi papayag manatili sa hindi magandang siwtasyon habambuhay.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo




Comments