top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Dahil sa Guhit ng Biglaang Pakikipagrelasyon... Bebot na maiinlab sa kaibigang tibo

  • Maestro Honorio Ong
  • Mar 29, 2020
  • 2 min read

KATANUNGAN

  1. Minsan po ay nag-inuman kaming magkakaibigan, pero puro kami babae. Nang nalasing na ako at nakahiga sa sofa, panay ang halik ng kaibigan ko sa mga labi ko at hinimas niya ang hita ko. Pagmulat ng mga mata ko, nagulat dahil si Althea (hindi totoong pangalan) ang humahalik sa akin, kaya sinaway ko siya. Gayunman, hindi na mawaglit sa isipan ko ang halik na ‘yun, lalo na sa gabi kapag nakahiga na ako. Nagbabalik sa alaala ko ang ginawa niyang ‘yun dahil siya ang first kiss ko sa lips, kaya ganu’n na lang ang kaba ko nang hinalikan niya ako at inisip ko na lang siguro na lasing na lasing din sya that time kaya nagawa niya sa akin yon.

  2. Humingi na siya ng sorry, pero hindi ko pa rin siya pinapansin sa ngayon. Nahihirapan na rin ako sa sitwasyon namin na hindi kami nagkikibuan, gayung madalas kaming magkasama sa trabaho.

  3. May sinabi siya sa akin noong hinalikan niya ako na gusto niya raw ako, pero paano ‘yun, pareho naman kaming babae, gayundin, bakit parang galit ako sa kanya na parang gusto ko na rin siya? Ano ang mangyayari sa sitwasyon naming ito, magiging kami kaya?

KASAGUTAN

  1. Ibig sabihin, kaya nagawa ni Althea na halikan ka ay dahil may pagka-lesbian siya o tomboy. Samantala, ang nakatutuwa na nakababahala ay may malinaw na Guhit ng biglaang Pakikipagrelasyon (Drawing A. at B. f-f arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad na nakiisa at sumama sa Fate Line (F-F arrow b.). Tanda na hindi na nga maiiwasan pa, kapag patuloy pa rin kayong nagkikita ni Althea, kahit sabihin pang kapwa kayo babae, tiyak ang magaganap, unti-unti na ring mahuhulog ang loob mo sa kanya hanggang sa maipagtapat niya sa iyo ang katotohanang kaya ka niya halikan ay dahil sa tindi ng pagnanasa at pagmamahal niya sa iyo.

  2. Sa sandaling naipagtapat at nasabi niya na ang totoo, sa sitwasyong nabanggit, kusa nang huhupa ang kinikimkim mong inis at kunwaring galit sa kanya. Ang inis at galit na ito ay tuluyan nang mapalitan ng damdamin na pagkagusto. Sa panahong tinuran, tuluyan na rin kayong magkakaunawaan at mahuhulog sa isang tumbalik na relasyon, na bagama’t medyo magulo at immoral ang tawag ng ilan sa ganitong ugnayan, hindi maaalis na masaya at satisfied kayo dahil kahit si Eba at Adan lamang ang nilikha ng Diyos sa paraiso Eden, tunay ngang may sumali ring “bakla” at “tomboy” na hindi natin alam kung saang planeta nanggaling o kung saan nahulog na lang bigla sa mundo.

DAPAT GAWIN

Tulad ng nasabi na, Ms. Scorpio, ayon sa iyong mga datos, may panahon sa iyong buhay na may mararanasan kang hindi normal na ugnayan sa kapwa mo babae, pero magbubunga rin ito ng matimyas at masayang relasyon. Bagama’t, hindi magiging katanggap-tanggap ng lipunan, ang nasabing hindi normal na pag-iibigan ay hindi mapipigilan dahil ang pag-iibigang ito ay magtatagal at magiging panghabambuhay (Drawing A. at B. 1-M arrow c.).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page