Dahil part din ito ng self-care... Tips para manatiling mentally healthy kahit may COVID-19 pandemic
- Jersy L. Sanchez
- Mar 29, 2020
- 2 min read

Kabilang sa mga tips na nababasa o natatanggap natin ngayong may Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 pandemic ay ang pag-aalaga sa ating sarili o pagpopokus sa self-care. Marahil, para sa iba, parte ng self-care ang pagme-maintain ng kanilang skin care routine, paggawa ng kanilang naudlot na hobby at marami pang iba.
Gayunman, para sa ilan sa atin, pinakamalaking bahagi ng self-care ang mental health. Dahil d’yan, narito ang ilang tips para manatiling “mentally healthy” sa kalagitnaan ng pandemic:
1. GAWIN ANG DAPAT GAWIN. Mahirap talagang pigilan ang pagbi-binge watch ng mga T.V. o movie series, lalo na kung wala naman tayong importanteng gagawin. Kung feeling mo ay wala kang dapat gawin, subukan mong huminto sa panonood at tingnan ang iyong paligid. Maglaan ng oras para maglinis ng bahay, magbasa ng libro o magsulat ng iyong thoughts. Gayundin, puwede ka ring mag-meditate sa loob ng 10 hanggang 15 minuto kada araw.
2. LIMITAHAN ANG PAGGAMIT NG SOCMED. Sa dinami-rami ng mga post o balita tungkol sa COVID-19, hindi natin maiwasang mag-panic, lalo na kung nakakabasa tayo ng mga news articles na nakaka-trigger. Bagama’t, convenient o accessible ang socmed para makibalita sa mga nangyayari sa labas at manatiling konektado sa ating mga mahal sa buhay na malayo sa atin, kailangan natin itong limitahan. Gayundin, maging responsable tayo sa pagtukoy kung totoo o hindi fake news ang mga paniniwalaan nating impormasyon.
3. MALIGO ARAW-ARAW. For sure, sasabihin ng iba, “Sino bang hindi maliligo sa ganitong panahon?” Gayunman, para sa mga taong nakaranas ng depresyon, marami sa kanila ang nasanay sa habit na nasa kuwarto lang at naka-pajama buong araw. Ngunit para maiwasan ito, mabuting makinig ng music, magsindi ng kandila habang naliligo.
4. EAT HEALTHY. Para sa karamihan, “comfort food” ang junk foods, sweets at carbs, pero alam niyo ba na wala itong magandang naitutulong sa ating mental health? Puwede pa rin naman kayong kumain ng mga ito, pero make sure na makokontrol ninyo ito. Gayundin, perfect time ito para kumain ng masusustansiyang pagkain tulad ng prutas at gulay dahil makatutulong ito para lumakas ang ating immune system at hindi madaling dapuan ng mga sakit.
5. ILABAS ANG SALOOBIN. Tiyak na meron kayong mapagkakatiwalaan na tao kung saan kering-keri ninyong sabihin ang lahat sa kanya, negatibong bagay man ito o hindi. Well, kung wala talaga, puwede mong isulat ang iyong thoughts, basta ang importante ay hindi mo ito kimkimin.
Sa kabila ng pangyayari sa mundo, hindi natin maitatanggi na mahirap ding maging kalmado at manatiling mentally healthy. Gayunman, sana ay makatulong sa inyo ang ilang tips na ito at ‘wag kalimutang i-share para makatulong din kayo sa iba. Okie?





Comments