Alam n’yo ba ‘yun, beshies? Pakwan, epektib na pampataas ng libido
- Govinda Jeremaya
- Mar 29, 2020
- 2 min read

Halamang Gamot atbp. ni: Govinda Jeremaya
“The legend says, the goddess of love, sex and romance is Venus and it saw Adam and Eve full of loneliness so, Venus gave them watermelon and they lived happily ever after.”
Isang lantad na sikreto sa mga probinsiyang may mga taniman ng pakwan na ito ay natural viagra. Kaya naman ito ay sikreto dahil sa probinsya, umiiral pa rin ang pagbabawal na pag-usapan ang sex life dahil inaakala nila na ang sex ay immoral na bagay. Gayunman, hindi naman puwedeng walang sex life ang mga tao dahil ang sex ay ikinokonsidera ng mga sikolohista na isa sa basic needs ng tao.
Sa totoo lang, ayon kay Sigmund Freud o ang kinikilalang the Father of Psychology, ang lahat ng problema sa mundo— sakit o karamdaman at mga kabiguan ng tao ay nag-uugat sa unsatisfactory sex life.
Mahirap itong paniwalaan, pero ang madaling paniwalaan ay ang sinasabing kapag kumain ng pakwan, tataas ang kanyang libido at kakaibang sigla ang kanyang madarama at ang lahat ay pagmamasdan niya nang may pagmamahal.
Ayon sa mga eksperto, ang pakwan ay may amino acid na tinatawag na “citrulline” na nakapagpapa-relaks at nagpapalaki ng blood vessels tulad ng viagra at iba pang gamot para sa erectile dysfunction.
Samantala, ayon sa mga pag-aral, ang amino acid sa pakwan ay nako-convert sa amino acid arginine na tumutulong para sa blood vessel dilation.
Ang balat ng pakwan ay maraming citrulline, gayundin, meron din nito sa laman kaya ipinapayo na kunin ang katas ng isang buong pakwan, kasama ang balat o rind. Puwedeng gumamit ng juicer at kapag nakuha na ang juice, haluan ito ng asukal o hone, gayundin, lagyan ng yelo para maging refreshing.
Marami pang benipisyo ang pagkain ng pakwan dahil ito ay punumpuno ng sustsansiya. Ayon sa mga eksperto, ang isang tasa ng watermelon ay mayroong:
Vitamin C: 21% ng recommended daily intake (RDI)
Vitamin A: 18% ng RDI
Potassium: 5% ng RDI
Magnesium: 4% ng RDI
Vitamins B1, B5 and B6: 3% ng RDI
Carotenoids, including beta-carotene and lycopene.
This summer, don’t forget to eat watermelon and you will personally say, “pakwan is the best!”
Good luck!





Comments