top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Tantanan ang fake news kung ayaw makulong sa kalagitnaan ng pananalasa ng coronavirus

  • Pabs Hernandez III
  • Mar 28, 2020
  • 1 min read

DDS BLOGGERS, AYAW NG UNITY VS. COVID-19—Nanawagan si P-Duterte sa oposisyon na makiisa sa gobyerno sa laban kontra-COVID 19 dahil hindi tao ang kalaban natin, kundi deadly virus.

Maganda ang panawagang ‘yan ni P-Duterte, kaya lang ang problema, ang mga alagad niyang DDS bloggers na tila ayaw pumayag at ayaw ng unity laban sa COVID-19 kasi patuloy pa rin sa pagpapakalat ng fake news laban kay VP Leni Robredo, period!

◘◘◘

PLANO BA NG DOH BURUHIN ANG SANGKATERBANG TESTING KITS?—Sa kabila ng napakaraming COVID-19 testing kits na meron ang Department of Health (DOH) na donasyon ng iba’t ibang bansa, ayaw pa rin ng DOH maglunsad ng mass testing sa mamamayan.

‘Yung totoo, plano ba ng DOH buruhin ang sangkaterbang testing kits na ‘yan? Buwisit!

◘◘◘

MASS TESTING SA MGA KOMUNIDAD, UMPISAHAN NA—Ayon sa World Health Organization (WHO), importante ang COVID-19 mass testing upang magamot agad ang mga nagpositibo at ma-trace ang mga nakasalamuha ng mga ito para ma-test din at sa pamamagitan niyan ay mapipigilan ang paglaganap ng deadly virus.

Kaya, sana naman, mag-mass testing na ang DOH para hindi na lumala ang pananalasa ng coronavirus, period!

◘◘◘

KUNG AYAW NINYONG MAKULONG SA KALAGITNAAN NG PANANALASA NG COVID-19, TANTANAN NA NINYO ANG FAKE NEW—Mabilis ang ginawang aksiyon ng PNP-Anti-Cyber Crime Group kaya nadakip agad nila ang apat na Pinoy na nagpapakalat ng fake news na may namatay daw sa COVID-19 sa kanilang mga lugar na nagdulot ng takot sa publiko.

Sa mga nagpapakalat ng fake news, tantanan n’yo na ‘yan kung ayaw ninyong makulong sa kalagitnaan ng pananalasa ang coronavirus, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page