top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kahit nagkakagulo ang mundo... Water Tiger, dapat maghanap ng bagong skills na puwedeng pagkakitaan

  • Maestro Honorio Ong
  • Mar 28, 2020
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Ituloy natin ang pag-aanalisa sa magiging kapalaran ng 12 animal signs ngayong 2020 o Year of the Metal Rat.

Sa pagkakataong ito, ang tinatalakay natin ay ang magiging sadlakang kapalaran ng animal sign na Tiger ngayong 2020.

Kung ikaw ay isinilang noong 1926, 1938, 1950, 1962, 1974, 1986, 1998, 2010 at 2022, ikaw ay tatawaging Tiger personality.

May limang klase o uri ng Tigre, ayon sa taglay niyang elemento:

  1. Wood Tiger - silang mga isinilang noong 1914 at 1974

  2. Water Tiger - silang mga isinilang noong 1962 at 2022

  3. Metal Tiger - silang mga isinilang noong taong 1950 at 2010

  4. Earth Tiger - silang mga isinilang noong taong 1939 at 1998

  5. Fire Tiger - silang mga isinilang noong taong 1926 at 1986

Noong nakaraang araw, tinalakay natin ang kapalaran ng Wood Tiger at ngayon naman ang tatalakayin natin ang ay magiging kapalaran ng Water Tiger.

Sinasabing sa pagiging tahimik at kampante lang uunlad at magiging masagana ang iyong kapalaran ngayong 2020, kaya anuman ang nagaganap sa iyong kapaligiran— tulad ng lumolobong kaso ng COVID-19 na nababalitaan mo, ‘wag kang magpa-panic dahil kapag nag-panic ka, lalo lamang papangit ang iyong kapalaran. Sa halip tulad ng nasabi na, kapag ikaw ay relaks lang at tanggap mo na ang epidemiyang ito ay lilipas din, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang ipagkakaloob sa iyo ng langit.

Kaya kung ikaw ay nasa bahay lang sa panahong ito, wala kang dapat gawin kundi mag-dagdag ng mga bago o kakaibang skills at talento na maaari mong pagkakitaan sa panahong tahimik at maayos na ulit ang mundo. Maaari kang mag-research sa internet ng mga bagay na mapakikinabangan mo. Gayundin, maaari mong i-develop ang iyong mga libangan para sa pagkakakitaan tulad ng pagluluto at iba pang gawaing may kaugnayan sa sining at agham.

Ganito ang pinagagawa sa iyo ng iyong kapalaran dahil ang mga Tigre, sa mga emergency at mabilisang panahon ay madali silang natututo ng mga bagong skills at madali nilang napuunlad ang kanilang talento kung saan ito ay mapakikinabangan mo upang magdagdagan ang iyong income kahit ikaw ay nasa bahay lang.

Dagdag pa rito, kapag sinisipag kang tumuklas ng mga bagong kaalaman, darating sa iyo ang mga tulong na manggagaling sa iyong mga kaibigan, kaya lalo mo pang mapagbubuti ang iyong mga ginagawa.

Sa pangkalahatan, mararamdaman mo ngayong taon na magiging mabilis ang pasok ng pera, pero mabagal mo naman itong magagastos. Matuwa ka dahil sa sitwasyong mahirap lumabas ng bahay, ang dapat mong iprayoridad ay ang pag-iipon at pagtitipid. Dahil dito, sinasabing mas marami kang magiging savings kung ikukumpara noong 2019.

Sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, tuloy ang masayang ugnayan sa minamahal at sa pamilya, ‘yun nga lang, may babala na dapat kang mag-ingat sa iyong kalusugan. Mas maganda kung ipatutupad mo ngayon ang matandang kasabihang “Early to bed and early to rise makes a man healthy, wealthy and wise.”

Kapag nagawa mo ‘yan, tulad ng nasabi na, kahit may banta ng COVID-19 sa ating paligid, higit na magiging masagana at maligaya ang iyong 2020.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page