top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Horoscope | Marso 28, 2020 (Sabado)

  • Maestro Honorio Ong
  • Mar 28, 2020
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Marso 28, 2020 (Sabado): Matapang ka, gamitin mo ito para tumulong sa mga nangangailangan. Ngayon ang pagkakataon para makatulong gamit ang iyong tapang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Susuwertehin ka kahit hindi ka pumunta sa malayo dahil ang mga suwerte mismo ang maghahanap sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-white.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ikaw ang magpayo sa mga malalapit sa iyo na matitigas ang ulo. Pakikinggan ka nila dahil alam nilang noon pa man ay nagmamalasakit ka sa kanila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green.

GEMINI (May 21-June 20) - Puwede namang magsaya kahit nasa bahay lang. Iba na ang mundo sa ngayon dahil ito ay moderno na kaya wala nang hangganan at walang limitasyon, lalo na kung pagsasaya ang hanap mo. Masuwerteng kulay-yellow.

CANCER (June 21-July 22) - Yakapin mo ang kalinisan. Itakwil mo ang kawalan ng pag-iingat sa mga personal na aktibidad. Ligtas ang malinis habang lantad sa panganib ang hindi maingat. Ito ang mensahe para sa iyo. Mauswerteng kulay-purple.

LEO (July 23-Aug. 22) - Nakatutuwa ang mundo ngayon dahil ang takot ay nagsilbing magandang panlaban at sandata ng buhay. Mabuhay ka nang may takot. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit naiinip ka na, iwasan mo pa ring mamasyal. Sa panahon ngayon, ang pamamasyal ay burado sa diksyunaryo ng mga tao. Kaya saan ka ba pupunta kung mamamasyal ka? Masuwerteng kulay-beige.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Para sumigla ka kahit nasa bahay ka lang, magsuot ka ng maganda. Umasta ka na parang may darating na taong mahalaga sa buhay mo. Sa ganitong paraan, sobra kang sisigla. Masuwerteng kulay-blue.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang tumanggap ng mga bisita, tao man o kahit ano. Isara mo ang mga bintana at pintuan, ibig sabihin, mas maganda ngayon ang nabubuhay nang mag-isa lang sa bahay. Masuwerteng kulay-black.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ngayon ang magandang pagkakataon na turuan ang mga kasama mo sa bahay ng gawaing bahay. Puwede mo rin silang turuan na magluto at iba pa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung naglilinis ka, linisin mo rin ang mga sulok at lugar na bihirang mong makita. Hindi lang isang karamdaman ang dapat mong katakutan sa panahon ngayon. Masuwerteng kulay-peach.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makinig ka ng musika kahit nasa bahay ka lang. Makinig ka ng masasaya at malulungkot na musika, lalo na ang mga awitin ng pag-iibigan at pagpapadama ng pagmamahal. Masuwerteng kulay-red.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magtanong ka kapag wala kang alam. Magtanong ka rin kapag konti lang ang iyong alam. Sa ganitong paraan, lalong tumatalino ang tao. Huwag kang mahihiyang magtanong nang magtanong. Masuwerteng kulay-brown.

![endif]--![endif]--

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page