top of page
BIDA - CUP OF JOE, IPINABOBOYKOT SA DAVAO, BABATUHIN NG DURIAN NG MGA DDS-FB Cup of Joe.jp

4Ps, itataas hanggang P8,000 monthly — DSWD

  • Madel Moratillo
  • Mar 28, 2020
  • 1 min read

Itataas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang subsidy para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) hanggang sa P8,000.

Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, itataas nila sa P5,000 hanggang P8,000 ang monthly allowance na tinatanggap ng may 18 milyong mahihirap na pamilya na apektado ng enhanced community quarantine sa Luzon.

Sinabi ni Dumlao na titingnan nila batay sa kanilang listahan ng mga 4Ps at unconditional cash transfer beneficiaries kung sino ang tatanggap ng P5,000 hanggang P8,000 monthly allowance mula sa gobyerno.

Hihingan din ng DSWD ang mga barangay at lokal na pamahalaan ng listahan ng mga magiging benepisyaryo ng emergency subsidies.

“Halimbawa sa National Capital Region ang maximum na makukuha ay P8,000... so ang 4Ps beneficiary entitled for a top up para ma-reach ‘yung requirement," paliwanag ni Dumlao sa Laging

Handa Press Briefing sa Malacañang.

Sa ngayon ay inaalam na rin umano ng DSWD kung magkano ang matatanggap ng mga benepisyaryo sa bawat rehiyon.

Sa ilalim ng "Bayanihan to Heal as One Act," na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte, nakasaad na ang mga low-income Pinoy households ay dapat mabigyan ng P5,000 hanggang P8,000 na monthly allowance, cash o in kind, sa loob ng 2 buwan habang umiiral ang enhanced community quarantine.

Ang mga kwalipikado rito ay mga low-income at “no work, no pay” households na ang kabuhayan ay apektado ng enhanced community quarantine.

Sa ngayon ay nakapaglabas na rin umano ang DSWD ng P35 milyong halaga ng assistance sa mga apektadong lalawigan sa Luzon at Metro Manila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page