"No mask, no entry" at "no quarantine pass, no entry", bawal! — DILG
- BRT
- Mar 27, 2020
- 1 min read

Ipinaalala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi pinahihintulutan ang patakarang "no mask, no entry" at "no quarantine pass, no entry" na ipinatutupad ng ilang establisimyento at barangay.
"Sa mga supermarket na hindi nakamaskara, eh, hindi mo pabibilhin ng pagkain, i-observe lang natin 'yung social distancing. Kailangan ay 'wag tayong mag-discriminate," pahayag ni DILG Sec. Eduardo Año sa isang panayam.
Samantala, hinimok din ang pagtigil sa pagtatakda ng time limit sa paggamit ng quarantine pass habang suspendido ang biyahe ng mga pampublikong transportasyon.





Comments