100 pinagdadampot sa curfew, 30 menor-de-edad
- BRT
- Mar 27, 2020
- 1 min read

Nasa mahigit 100 katao ang hinuli kaugnay ng paglabag sa curfew sa Quezon City.
Pawang mga taga-Barangay Payatas at Batasan Hills ang inaresto kagabi.
Ayon kay Capt. Francisco Lucena IV ng Quezon City Police District Station 6, sa nasabing bilang 30 ay pawang mga menor-de-edad.
Kaugnay nito, pinagsabihan lang ang mga unang beses na lumabag habang dinala naman sa PNP station ang dalawang beses nang nahuli at sasailalim sa community service.





Comments