Soccer game, sinisising pinagmulan ng pagkalat ng COVID-19 sa Italya
- Gerard Arce
- Mar 26, 2020
- 2 min read

Tinutukoy na malaking dahilan ng pagkalat at paglala ng sitwasyon sa bansang Italya ng coronavirus (COVID-19) ay ang pinakamalaking soccer game na ginanap sa Bergamo noong isang buwan.
Aabot sa 2,500 manonood at tagahanga ang bumisita sa Spanish club na Valencia para sa isang makasaysayang laban sa Champions League, mahigit isang buwan na ang nakararaan. Itinuturong rason ay ang nangyaring laro noong Pebrero 19 na naging sanhi para maging sentro ng coronavirus pandemic ang siyudad ng Bergamo – nang may isang kumpirmadong kaso ng Covid-19 ang napag-alaman sa naturang probinsya – kung saan 35% ng mga manlalaro ng Valencia ang nahawaan sa binansagang laro bilang “Game Zero.”
“We were mid-February so we didn’t have the circumstances of what was happening,” pahayag ni Bergamo Mayor Giorgio Gori sa mga miyembro ng Foreign Press Association ng Rome mula sa live Facebook chat. “If it’s true what they’re saying that the virus was already circulating in Europe in January, then it’s very probable that 40,000 Bergamaschi in the stands of San Siro, all together, exchanged the virus between them. As is possible that so many Bergamaschi that night got together in houses, bars to watch the match and did the same. Unfortunately, we couldn’t have known. No one knew the virus was already here,” dagdag ng naturang mayor sa panulat ng The Associated Press. “It was inevitable.”
Bago pa man mangyari ang malagim na mga tagpo ay nagkaroon umano ng unang kaso sa probinsya ng Bergamo, habang sa parehong oras sa Valencia, ay isang manunulat ang bumiyahe sa naturang laro na naging ikalawang tao na nahawaan sa naturang rehiyon. Hindi nagtagal ay kumalat na ito sa mga taong nakasalamuha niya at mga tagahangang naroon sa nasabing laro.
Inihayag ni Silvio Brusaferro, pinuno ng Superior Institute of Health ng Italy, na isa sa mga teorya o palagay ng kanilang tanggapan na kanilang sinusuri bilang pinagmulan ng krisis ay sa Bergamo.
“One of the hypotheses. It’s certainly an analysis that can be made,” saad ni Brusaferro.
Sa ngayon ay nananatiling may pinakamaraming kaso sa Europa ang bansang Italy na may higit pa o doble sa bilang na nakuha ng bansang China. Sinundan ito ng Spain na may malalang kaso na nilampasan din ang China sa bilang ng mga nawalan ng buhay.





Comments