top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Oh, ingat sa mga user friends... Isinilang sa Year of the Wood Tiger, ‘di dapat mag-invest ngayong 2

  • Maestro Honorio Ong
  • Mar 26, 2020
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Ituloy natin ang pag-aanalisa sa magiging kapalaran ng 12 animal signs ngayong 2020 o Year of the Metal Rat.

Sa pagkakataong ito, ang tinatalakay natin ay ang magiging sadlakang kapalaran ng animal sign na Tiger ngayong 2020.

Kung ikaw ay isinilang noong 1926, 1938, 1950, 1962, 1974, 1986, 1998, 2010 at 2022, ikaw ay tatawaging Tiger personality.

May limang klase o uri ng Tigre, ayon sa taglay niyang elemento:

[if !supportLists]1. [endif]Wood Tiger - silang mga isinilang noong 1914 at 1974

[if !supportLists]2. [endif]Water Tiger - silang mga isinilang noong 1962 at 2022

[if !supportLists]3. [endif]Metal Tiger - silang mga isinilang noong taong 1950 at 2010

[if !supportLists]4. [endif]Earth Tiger - silang mga isinilang noong taong 1939 at 1998

[if !supportLists]5. [endif]Fire Tiger - silang mga isinilang noong taong 1926 at 1986

Ang tatalakayin natin ngayon ay ang magiging kapalaran ng Wood Tiger. Sinasabing ngayong 2020, ikaw ay mahihilig sa pakikipagsosyalan, sapagkat dito ka lihim na nagiging masaya, kaya bagay na bagay sa iyo ang maging leader, mamuno o mamulitika. Ang problema, ang likas na hilig mong ito sa pakikipagsosyalan ay mahahadlangan ng kumakalat na epidemya o COVID-19, gayunman, kapag nasawata ng mundo ang nasabing karamdaman, babalik na ulit sa normal ang buhay mo, gayundin ang pagiging masaya sa pamumolitika at pakikipagsosyalan.

Bukod sa politika, pakikipagsosyalan at pamumuno, ikaw din ay may pambihirang talento sa pagsimpatya sa mga tao, lalo na sa mga mahihirap kaya likas sa sarili mo ang pagiging matulungin at maaawain, kumbaga, sobrang bait mo at madali kang lapitan.

Dahil dito, ngayong 2020, kapag hindi ka nag-ingat, may babala na samantalahin ka ng mga manloloko at mananamantala sa iyong kabutihan. Kaya ‘wag na ‘wag kang magpapautang o magi-invest ng malaking halaga, lalo na kung ito ay sa mungkahi at panghihimok ng mga malalapit mong kaibigan dahil sila ang maaaring mandaya at manloko sa iyo.

Bagama’t, may likas na suwerte at katalinuhan ka, ito ay nananatiling nakatago dahil ngayong taon, hindi ito lalabas nang husto at hindi mo ito mapakikinabangan kung walang mga pagsubok o hamon na darating. Ibig sabihin, habang may mga pagsubok at hamon sa iyong buhay, dapat kang matuwa dahil sa mga ganyang pagkakataon, lalabas ang iyong taglay na galing at husay.

At habang sinusubok ka ng tadhana, kusa ring lulutang ang likas mong suwerte at pagdating ng magagandang kapalaran sa buhay mo.

Sa pag-ibig, tuloy ang masarap na romansa at lambingan sa piling ng iyong minamahal. Bagama’t, may mga kakaiba at lihim na ugnayang matitikman, ito ay magiging panandalian lamang.

Sa pangkalahatan, mananatili ang pag-angat ng suwerte at magandang kapalaran, lalo na sa larangan ng salapi, higit lalo sa sandaling natapos na ang problema ng mundo hinggil sa COVID-19.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page