Kaukulang parusa kaugnay ng maling pag-label ng mga produktong hindi naman organic
- Persida Acosta
- Mar 26, 2020
- 2 min read
Dear Chief Acosta,
Mayroon bang parusa ang mga nagtitinda ng mga produktong mayroong label na organic ngunit hindi naman talaga ito totoong organic? - Vince
Dear Vince,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Section 26 ng Republic Act No. 10068 o mas kilala sa tawag na “Organic Agriculture Act of 2010” kung saan nakasaad na;
“Section 26. Penal Provision. – Any person who wilfully and deliberately;
x x x
(c) mislabels or claims that the product is organic when it is not in accordance with existing standards for Philippine organic agriculture or this Act shall, upon conviction, be punished by imprisonment of not less than one (1) month nor more than six (6) months, or a fine of not more than fifty thousand pesos (P50,000) or both at the discretion of the court. If the offender is a corporation or a juridical entity, the official who ordered or allowed the commission of the offense shall be punished with the same penalty. If the offender is in the government service, he shall in addition be dismissed from service.” [Binigyang-diin.]
Ayon sa nabanggit na probisyon ng batas, ang sinumang maglagay ng maling tatak (mislabel) sa isang produkto kung saan isinasaad niyang organic ito kahit hindi naman talaga ito organic ay maaaring mapatawan ng kaukulang parusang pagkakakulong ng isang (1) buwan hanggang anim (6) na buwan at/o multa na hindi hihigit sa limampung libong piso (P50, 000).
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyon na ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments