Kahulugan ng 4 beses napanaginipan ang idol
- Socrates Magnus
- Mar 26, 2020
- 2 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Akisha Akiyama na ipinadala sa Facebook Messenger.
Dear Professor,
Ano ang kahulugan ng grupo na medyo pasikat pa lang? Sa panaginip ko kasi, may grupo na hindi pa sikat, pero kapag tiningnan sila, alam mong sisikat sila. Tapos, inutusan ko ‘yung pinsan ko na magpa-picture kami, pero ayaw niya dahil nahiya siya.
Nu’ng napilit ko na siya, bigla silang tumayo, tapos narinig ko na tinawag sila sa microphone at pinagkaguluhan sila ng mga tao, tapos nagbago ‘yung mga mukha nila at lalong gumuwapo.
Nagulat ako kasi biglang nagkaroon ng mahabang swimming pool at may pagitan. Nang papunta na ako sa kanila, biglang kinanta ng idol ko ‘yung “I Got You” at kahit anong gawin ko ay hindi ako makalapit sa stage dahil sa swimming pool.
Umakyat ako sa taas sa glass flooring, tapos nakita ko ‘yung idol ko na nakatalikod at naka-tuxedo siyang puti. Take note, kulay blue ‘yung tubig at apat na beses ko na siyang napapanaginipan at sinasabi niya sa kin na “I got you”.
Sana ay masagot ninyo ang tanong ko dahil palagi itong bumabagabag sa isipan ko. Maraming salamat!
Naghihintay,
Akisha
Sa iyo Akisha,
Kitang-kita sa panaginip mo na malabong ma-in love ka sa mga pangkaraniwang tao. Ito ay sa dahil ayon na rin sa iyong panaginip, you are living in different world kung ikukumapara sa mga nasa paligid mo.
Malinaw din na ang sinasabi ng panaginip ay mas maganda ka kaysa sa mga pangkaraniwang maganda at ang karisma o sex appeal mo ay para lang sa mga taong angat sa buhay, sikat at may mga sinasabi.
Sa biglang tingin, nakatutuwa ang ganitong katotohanan, pero sa malalimang pag-aanalisa, ikaw ay may malungkot na buhay. Mahirap mang paniwalaan dahil tulad ng nasabi na, ikaw ay maganda at maraming may gusto sa iyo, kaya lang, ito ang katotohanan sa buhay mo.
Maaaring ang talagang gusto mo ay ang maging totoo ang sinasabi ng idol mo na “I got you” at ikaw ay magiging karelasyon ng idol mo? Ang sagot ay nagsasabing dahil naganap na ito sa mundo ng panaginip, hindi na ito mangyayari sa totoong buhay.
Siguradong itatanong mo kung bakit, kaya muli, dahil naganap na ito sa panaginip, hindi na ito magaganap in real life.
Hanggang sa muli,
Professsor Seigusmundo del Mundo




Comments