Kagawad, kulong sa overpriced na alcohol
- Gina Pleñago
- Mar 26, 2020
- 1 min read

Timbog sa entrapment operation ang isang barangay kagawad, kanyang anak na lalaki at dalawang tauhan sa pagbebenta ng mahigit sa dobleng presyo ng alcohol sa Pasay City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Pasay City Police Chief P/Col. Erickson Dilag, ang mga suspek na sina Gemma Montalbo, 51, kagawad ng Bgy. 88; anak nitong si Eduardo Salvador, 24, at mga helper na sina Harvy Besa, 20, at John Paul Delos Reyes, 20.
Ayon sa ulat ni P/Col. Dilag, nag-ugat ang entrapment sa intelligence report na natanggap ng Air Intelligence and Security Wing ng PAF at naberipika ng mga tauhan ni P/Captain Deni Pedroso, hepe ng Pasay Station Intelligence Section.
Miyerkules ng hapon nang makabili kay Eduardo ng isang alcohol ang umaktong buyer sa halagang P185, gayung ang regular price lamang ay P74, kaya ito hinuli.
Nagsilbi pa umanong lookout si Kagawad Montalbo kaya binitbit din at naniniwala ang mga awtoridad na ginagamit nito ang posisyon sa hoarding at selling ng overpriced na alcohol at mga helper na naroon sa entrapment.
Nakumpiska ang may kabuuang 504 piraso ng tig-500ml alcohol sa mga suspek.





Comments