Hotel at motel, gawing ‘emergency hospital’ kontra COVID-19
- Ka Ambo
- Mar 26, 2020
- 2 min read
AYAW nang tumanggap ng mga ospital ng pasyenteng may COVID-19.
Masahol pa tayo sa Italy!
◘◘◘
BAKIT walang pahayag ang Palasyo na “agarang magtayo ng mga ospital” sa loob ng 15 araw tulad sa China?
Kailangang i-convert ang mga hotel at motel bilang “emergency hospital” laban sa COVID-19.
Magagawa lang ito—kapag idineklara ang Martial Law!
◘◘◘
PANAHON ang susi sa krisis.
Kailangang ideklara agad ang Martial Law sa lalong madaling panahon!
◘◘◘
KAPAG nagpatumpik-umpik si P-Digong sa deklarasyon ng Batas Militar, mas lalala ang problema.
Sa oras na ideklara ang MartiaL Law, agad magtatago ang kritiko ng gobyerno.
Kalahati agad ang nabawas sa bilang ng mga tao sa lansangan!
◘◘◘
KAPAG idineklara ang Martial Law, awtomatik na ang lalamyerda lang ay ang mga “mahalagang mithiin”.
‘Yan mismo ang solusyon sa COVID-19—at ‘yan ang purpose ng “home quarantine”!
◘◘◘
MAKIKITA natin na ang deklarasyon ng Martial Law ay kakambal ng awtomatikong “lockdown”.
Nagkukunwari ang gobyerno kaya walang linaw ang solusyon!
◘◘◘
MAGKASINGKAHULUGAN ang Martial Law at lockdown—‘yan ang naranasan ng Pilipinas sa deklarasyon ng 1081.
May “b--y--g” si ex-P-Marcos, wala bang yagbols si P-Digong?
◘◘◘
AYON sa mga eksperto—kailangang “gamitin” ang available time kontra COVID-19
Pero, hindi ito nauunawaan ng Palasyo at mamamayan!
◘◘◘
Ginto ang oras kontra COVID-19.
Inaaksaya ng Palasyo ang oras at araw sa “press conference” na walang kabuluhan!
◘◘◘
BUHAY ng mayorya ng populasyon ang nakataya rito.
Ngayon ang pinakaangkop na ideklara ang Martial Law—wala nang iba pa!
◘◘◘
KUNG nilagdaan ni ex-P-Marcos ang Presidential Decree No.1 na Land Reform—kinukuha ang lupa ng mga haciendero para ibigay sa magsasaka, kailangang lagdaan ni P-Digong ang unang PD na awtomatikong gawing hospital ang nakasaradong “motel at hotel”.
Ang bawat lalaki ay awtomatikong “sundalo” na magbabantay sa kanilang bakuran—para walang makalabas ng kalye.
Ang gagala, “shoot to kill”!
Kaya ni P-Digong ‘yan—dahil hindi siya nangangahas na “pumatay” kung nakataya ang katatagan ng Republika at para sa kapakanan ng nakararami!





Comments