top of page

Pinilit ng pari na magpakasal, sign na ‘di mahal ang mapapangasawa

  • Socrates Magnus
  • Mar 25, 2020
  • 2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Ann Ann na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,

Nag-asawa na ako sa panaginip, eh, wala naman akong boyfriend sa totoong buhay, gayundin, pinilit lang kami ng pari sa Simbahan kaya natuloy ang kasal namin. Pero nang umuwi kami sa bahay ng asawa ko, bongga ang handa at parang fiesta, parang nandu’n lahat ng kamag-anak at mga kapitbahay nila.

Nakakatuwa ‘yung panaginip ko, pero nakakapagtaka rin dahil wala naman akong boyfriend ngayon. Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay,

Ann Ann

Sa iyo Ann Ann,

Oo, wala kang boyfriend ngayon, pero sa ibang panahon ay mayroon na dahil ang iyong panaginip ay isang patanaw sa iyong hinaharap, kumbaga, ipinakikita na sa iyo nang maaga ang mangyayari pa lang sa buhay mo.

Ang isa sa ipinakita ay may kaya ang magiging asawa mo. Ang isa pang nakita ay sikat siya sa kanila, as in, sabi ng panaginip mo, siya ay ginagalang at marunong makisama sa mga tao. Bukod pa sa kitang-kita rin na dahil bongga at parang fiesta ang handaan ng kasal ninyo, ang mapapangasawa mo ay mayaman.

Pero kitang-kita rin na siya siya ay hindi mo mahal dahil sa panaginip mo, pinilit lang kayo ng pari na nagkasal sa inyo. Gayunman, huwag kang mag-alala dahil marami rin naman ngayon ang napilitan lang magpakasal, pero dahil nagsasama na at mabait ang napangasawa, minahal na rin nang lubusan at ang nakakatuwa pa, nagseselos kapag may ibang babae ang napangasawa.

Ipanatag mo lang ang iyong kalooban dahil may taga-ayos sa kapalaran ng bawat tao at ito ay ang mismong Dakilang Manlikha na wala namang hinahangad kundi magkaroon ng magandang buhay ang lahat.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page