Nag-first anniversary na pala, Janella… Elmo, idinispley na sa socmed ang bagong GF, bigla ring binu
- Beth Gelena
- Mar 25, 2020
- 2 min read
Beth Gelena / Bulgary File

Photo: elmomagalonaofficial & instagram @elmomagalona
In-introduce na ni Elmo Magalona ang kanyang bagong non-showbiz girlfriend.
Sa kanyang social media account ay may mga larawan siya na kasama ang girl kung saan nagse-celebrate sila ng first anniversary nu’ng Martes, March 24.

Instagram @elmomagalona
Ani ng isa sa mga lead actors ng A Soldier’s Heart, “Happy anniversary. Thank you for being my rock and for being you always. To more memories together. These are some of our milestones.”
Simpleng ‘Ry’ ang pagpapakilala ni Elmo sa girl sa kanyang mga followers.
Ang nasabing larawan ay agad ding na-delete at humingi siya ng sorry sa non-showbiz girl.
“Sorry, Ry, for posting the last video. ILYSM.”
Ang huling nakarelasyon ni Elmo ay si Janella Salvador kung saan hindi naging maganda ang kanilang hiwalayan.
***
CHRISTOPHER, ISINAMA ANG DOKTOR SA BAHAY HABANG NAGSE-SELF-QUARANTINE
MAGANDANG balita para sa mga taga-showbiz na ang beteranong aktor na si Christopher de Leon ay na-discharge na sa ospital pagkatapos magpositibo sa COVID-19.
Ayon sa manager ng aktor na si Lolit Solis, iniuwi na sa kanilang tahanan si Christopher kasama ang doktor nito at isasailalim siya sa 14-day self-quarantine.
Sey pa ng manager, maigi na raw ang karamdaman ng Love Thy Woman actor pagkatapos ma-confine nang ilang araw sa ospital.
“Although Christopher still has cold, the doctor saw that he is recovering already and he was advised to be isolated for how many days.”
“Meron pa rin siya kasi may sipon pa siya. Pero maganda kasi 'yung recovery niya kaya pinauwi na siya kaya dapat naka-quarantine pa rin,” ani Lolit sa interbyu.
***
BISTEK, BALIK-SERBISYO SA KYUSI
BALIK-SERBISYO ang former mayor ng Quezon City na si Herbert ‘Bistek’ Bautista. Pero, hindi bilang alkalde kundi service as commanding general para sa COVID-19.
Si Bistek ay isang 1502nd Ready Reserve IB PH Army mula pa nu'ng naupo siya bilang mayor ng Kyusi.
Dahil laganap na ang COVID-19, balik-serbisyo siya sa mga taga-Quezon City.
Ibinahagi niya sa kanyang Instagram Stories ang mga kuhang larawan kung saan siya naka-duty.
Sa Tandang Sora nakatalaga si Bistek at aniya, ground zero ang naturang area dahil dito unang naitala na may kaso na ng COVID-19 sa lungsod.
Idineklara ang isang subdivision sa nasabing lugar na ‘hot zone’ sa ilalim ng extreme enhanced community quarantine.
"#BatangQC Blessed to be serving as the Commanding General of the 1502nd Ready Reserve IB PH Army for my beloved city," masayang sabi ni Bistek.
Aniya pa ay trabaho ng kanilang tropa na bantayan ang mga lugar sa lungsod na dati niyang pinamahalaan.
"Our team has been doing round the clock inspection of borders to ensure the safety of the city and also distributing goods to our constituents who are in need.
"We are helping to the best way we can and we appreciate your support in every way.
"Please continue to stay home for the safety not just of our city but most especially our families.
"God Bless Us All. #AFPyoucanTRUST #RescuePH - BGen Herbert M Bautista AFP."
Natuwa ang mga mamamayan ng Kyusi nang makita nila ang dating alkalde na nagtatrabaho pa rin para sa kapakanan ng kanilang lungsod.





Comments