Mag-aabiso na palaging maghugas ng mga kamay, tapos pinagtitipid naman sa tubig ang publiko, ngek!
- Pabs Hernandez III
- Mar 25, 2020
- 2 min read
BAYANIHAN ANG KAILANGAN NGAYON, HINDI PAGPAPAKALAT NG FAKE NEWS — Tulung-tulong ngayon ang mga taga-gobyerno sa pagkalinga sa mga mahihirap na kababayang labis naapektuhan ng COVID-19, at kabilang sa tumutulong ay ang Office of the Vice-President (OVP), pero imbes na purihin, gumagawa pa ng fake news ang mga DDS bloggers para siraan si VP Leni Robredo.
Paging P-Duterte, baka puwedeng pagsabihan n’yo ang mga DDS bloggers na lubayan na ang paggawa ng fake news kay VP Leni kasi ang kailangan ngayon ng sambayanan ay bayanihan sa paglaban sa coronavirus at hindi pamumulitika, period!
◘◘◘
BATIKOS ANG INABOT NI CAYETANO NANG IKUMPARA ANG KONGRESO SA MGA HEALTH WORKERS — Mali ang akala ni Speaker Alan Peter Cayetano na papalakpakan siya ng publiko nang ikumpara niya ang kanyang sarili at mga kapwa niya kongresista na nagtungo sa Kongreso para bigyan ng special power si P-Duterte, na tulad din daw sila ng mga health workers na nasa frontline sa paglaban sa COVID-19.
Imbes na palakpak, na-‘boo’ at batikos ang inabot nila sa publiko, boom!
◘◘◘
PINALABAS PANG SINUNGALING NI CAYETANO ANG MGA HEALTH WORKERS — Ayon kay Speaker Cayetano, napakaraming PPE (Personal Protective Equipment) na nakaimbak ang gobyerno kaya fake news lang daw ang mga nagsasabing kapos sa PPE ang mga health workers na nagtutulung-tulong sa paglaban sa coronavirus.
Sa kagustuhan ni Cayetano makapagsipsip kay P-Duterte, eh, pinalalabas pa niya ngayon na sinungaling ang mga health workers na nagsasabing wala na silang magamit na PPE, tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
ANG SABI NG DOH, PALAGING MAGHUGAS NG MGA KAMAY PERO AYON NAMAN SA NWRB, MAGTIPID NG TUBIG — Sabi ng Department of Health (DOH), dapat palaging maghugas ng mga kamay ang publiko sa panahong nananalasa sa bansa ang COVID-19, pero ayon naman sa National Water Resources Board (NWRB), dapat magtipid ng tubig ang mga taga-Metro Manila at Luzon dahil bumababa na raw ang level ng tubig sa Angat Dam ngayong summer season.
Palaging maghugas ng mga kamay, tapos magtipid sa tubig? Aba, dapat magkasundo ang DOH at NWRB kasi naguguluhan ang publiko kung sino ang dapat sundin sa kanila, period!





Comments