'Quarantine pass for sale' buking, tserman kulong
- BRT
- Mar 24, 2020
- 1 min read

Arestado ang isang barangay chairman na sinasabing nagbebenta ng quarantine pass.
Sa pangunguna nina Sultan Kudarat Maguindanao Mayor Datu Shameem Mastura at Sultan Kudarat Chief of Police Major Julhamin Asdani, hinuli ang kapitan na hindi muna pinangalanan.
Napag-alaman na naniningil ang kapitan ng P50 kada quarantine pass mula sa barangay.
Sa ngayon, nakakulong na sa custodial facility ng Sultan Kudarat-PNP ang suspek na mahaharap sa kaukulang kaso.





Comments