US Senator Rand Paul, positibo sa COVID-19
- Lolet Abania
- Mar 23, 2020
- 1 min read

Kumpirmadong positibo si US Senator Rand Paul sa Coronavirus Disease 2019.
Siya ang kauna-unahang senador na tinamaan ng nakamamatay na sakit na COVID-19.
“Senator Rand Paul has tested positive for COVID-19. He is feeling fine and is in quarantine. He is asymptomatic and was tested out of an abundance of caution due to his extensive travel and events. He was not aware of any direct contacts with any infected person.”
Inaasahan si Paul, na isang Republican senator, na bumalik sa US Senate matapos ang kanyang quarantine period at patuloy na magsisilbi sa kanyang mga kababayan sa Kentucky.
Sampung araw bago ang pagsusuri kay Paul, naglibot siya upang alamin ang kanilang kalagayan sa lugar. Wala siyang staff na nakasama at direct contact sa kahit sinuman.
Ayon sa kanyang staff, nagdesisyon si Paul na magpasuri matapos na siya ay mag-attend sa isang event kung saan dalawa sa dumalo roon ang nagpositibo sa COVID-19, kahit na wala siyang direct contact sa mga ito.





Comments