top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pangangailangang medikal ng mga buwis-buhay na health workers, iprayoridad!

  • Imee R. Marcos
  • Mar 23, 2020
  • 2 min read

Nakakalerki ang patuloy na paglobo ng bilang ng kaso ng mga tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19. At patuloy ding tumataas ang bilang ng mga namamatay dahil dito.

Mga friendship, panic-mode na talaga ang marami nating mga kababayan lalo na at wala pa ring lunas na nakikita laban sa virus na ito. Nakaka-worry na talaga ang sitwasyon para sa ating mga health workers na ngayon ay itinuturing nating mga frontline heroes.

Mukang hindi na mahahabol ng kulang-kulang na testing kits ang mabilis na paglaganap ng COVID-19, kaya dapat nandun na tayo sa proteksiyon sa mga nasa frontline at sa critical care ng mga pasyente.

Pasalamat tayo, na naideklara na ng ating pangulo ang enhanced community quarantine sa Luzon para makontrol ang pagkalat ng virus.

Nakakapraning talaga! Napakaraming mahihirap nating mga kababayan na kahit pambili ng pagkain, wala, eh, pambili pa kaya ng gamot? Tapos tatamaaan pa ng virus, ‘susmarya!

Kaya pakiusap natin sa ating pamahalaan, please lang, dagdagan ang listahan ng mga murang gamot para sa mga may high blood, diabetes, lung disorder o ‘yung 72 mga gamot na ikinokonsidera ng pamahalaan na maisama sa price regulation.

Heto namang ating mga doktor, mga nurse at iba pang medical staff, buwis-buhay na nga sila, kinakapos pa ng proteksiyon para sa kanilang kaligtasan, hay nako!

Bilisan naman sana ng ating pamahalaan ang pagbili ng mga personal protective equipment sa mga medical staff na nasa front line tulad ng oxygen, ventilators at mga kama para sa mga pasyenteng nasa kritikal na kondisyon. Huwag ‘yan itulad sa mga nabulilyaso at nahuling pagbili ng Department of Health (DOH) ng testing kits!

Walang pinipiling tatamaan ang COVID-19 – mahirap man o mayaman – ang susi lang sa ating lahat ay pagkakaisa, tulungan at bilisan ang kilos para wala nang masayang na buhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page