Maaari bang magbenta ng lupa kahit hindi lisensiyadong real estate broker?
- Persida Acosta
- Mar 23, 2020
- 1 min read
Dear Chief Acosta,
Inutusan ako ng kapatid ko na ibenta ang kanyang lupa pero may nakapagsabi sa akin na hindi ko raw ito maaaring gawin dahil hindi ako lisensiyadong real estate broker. Ganu’n ba ‘yun? - Ella
Dear Ella,
Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Section 28 ng Republic Act No. 9646 o mas kilala bilang “Real Estate Service Act of the Philippines,” na:
“Section 28. Exemptions from the Acts Constituting the Practice of Real Estate Service. - The provisions of this Act and its rules and regulations shall not apply to the following":
xxx
(d) Any person who is a duly constituted attorney-in-fact for purposes of sale, mortgage, lease or exchange, or other similar contracts of real estate, without requiring any form of compensation or remuneration; xxx .” (Binigyang-diin)
Ibig sabihin, hindi ninyo kinakailangan ng lisensiya upang maibenta ang lupa ng inyong kapatid kung kayo ang kanyang inatasan na magbenta nito nang walang inaasahang kabayaran.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyon na ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito.
Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam
kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments