Horoscope | Marso 23, 2020 (Lunes)
- Maestro Honorio Ong
- Mar 23, 2020
- 2 min read

Sa may kaarawan ngayong Marso 23, 2020 (Lunes): Huwag kang masisindak sa mga hamon ng iyong kapalaran dahil ang lahat ng ito ay iyong malalagpasan. Ito ang mensahe ng araw na ito ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lumaban ka at huwag kang susuko. Hindi sapat na dahilan na marami ang naduwag kaya matatakot ka rin. Muli, lumaban ka at huwag kang susuko. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kahit gaano kakapal ang madilim na ulap, lilitaw at lilitaw din ang sikat ng Haring Araw. Ang kailangan mo ay magiging matatag at maging positibo ang iyong mga pananaw. Masuwerteng kulay-violet.
GEMINI (May 21-June 20) - Kahit hindi mo gaanong sinasang-ayunan ang mga patakaran ng mga awtoridad, sumunod ka pa rin dahil hindi ngayon ang panahon para umangal. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi ka dapat panghinaan ng loob dahil walang katiyakan ang mga araw na darating. Ang mahalaga ay buo ang iyong kalooban laban sa mga pagsubok sa buhay. Masuwerteng kulay-red.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nanghihina ang hindi kumakain kaya kumain ka at ang kainin mo ay ang masusustansiyang pagkain. Hindi dahilan na ikaw ay malungkot kaya nawawalan ka ng ganang kumain. Masuwerteng kulay-brown.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumilos ka ayon sa ikabubuti ng nakakarami. Huwag kang sumalungat sa agos ng buhay. Ang isang mali at kontrang pagkilos ay maaaring mauwi sa kapahamakan ng lahat. Masuwerteng kulay-white.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang utos, ‘yun ang dapat na masunod. Sumunod ka lang sa mga taga-utos nang sa gayun ay maging maayos na ang galaw ng mundo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Makibahagi ka sa mga tumutulong at nagsasakripisyo para sa lahat. Kahit hindi gaanong malaki at kahit hindi gaanong marami, maganda pa rin na magbigay ka ng tulong. Masuwerteng kulay-yellow.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ngayon ang panahon para mag-aksaya. Hindi rin ngayon ang panahon para sa bonggang pagsasaya. Ngayon ang panahon ng pagtitipid at pagsisinop. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Manatili ka sa bahay at ipagpaliban mo muna ang mga aktibidad na nangangailangan ng paglabas sa bahay. Mahirap paniwalaan, pero sobrang mapanganib kapag nasa lahas ng bahay. Mauswerteng kulay-pink.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Puwede namang sumaya kahit nasaaan ka dahil ang saya ay mula sa isip habang ganundin ang lungkot. Magsaya ka at iwasan mong maging malungkot. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong ipagdamot ang iyong mga kaalaman. Malaki ang maitutulong mo sa mga taong nagdududa at nag-aalinlangan sa mga nangyayari sa kapaligiran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue.
![endif]--![endif]--




Comments