May chance pa raw, sis! 41-anyos na takot tumandang-dalaga, dapat pairalin ang pagiging Leo para sur
- Maestro Honorio Ong
- Mar 22, 2020
- 2 min read
Dear Maestro,
Tawagin mo na lang akong Myra. Isinilang ako noong August 10, 1978, mataba ako, pero maganda at 41 years old na. Kinakabahan ako dahil baka tumandang-dalaga na lamang ako dahil hindi pa ako nagkaka-boyfriend.
Sa palagay ninyo, Maestro, makapag-aasawa pa ba ako kahit mataba ako at walang boyfriend? Kung makapag-aasawa pa ako, kailan naman ito magaganap?
Umaasa,
Myra ng Santa Cruz, Laguna
Dear Myra,
Oo, makapag-aasawa ka pa kahit sabihin pang mataba ka dahil unang-una, wala namang kaugnayan ang pisikal na anyo sa nakatakdang kapalaran. Pangalawa, makapag-aasawa ka kahit mataba ka dahil bihira sa mga taong isinilang sa petsang ten (10) o one (1+0=1) na tulad mo na nagkataon pang Leo ang iyong zodiac sign, ang hindi nakapag-aasawa, gayundin, isaalang-alang pang strong number ang birth date mong 1 at zodiac sign mo na may ruling planet na Sun at ang Sun ay nagtaglay din ng numerong 1.
Ang nagiging problema ay bukod sa numerong 1 na umiimpluwensiya sa iyong kapalaran, ikaw din ay pinagkalooban ng destiny number na 7 (8+10+1978=1996/
19+96=115/ 11+5=16/ 1+6=7) kung saan ang numerong 7 ay weak o mahinang
numero.
Ibig sabihin, sa sandaling higit na nanaig ang numerong 7 sa iyong pagkatao sa halip na ang numerong 1 at ang zodiac sign mong Leo, tunay ngang may tendency na
hindi ka makapag-asawa dahil tulad ng nasabi na, ang numerong 7 ay weak o mahinang number. Dagdag pa rito, statistically speaking, bukod sa numerong 6, 15 at 24, ang numerong 7, 16 at 25 ay tipikal na halimbawa ng mga numerong hindi nakapag-
aasawa.
Upang hindi mangyari ang senaryong nabanggit sa edad mong 41, ganito ang
gawin mo—pairalin mo nang mahigpit ang impluwensiya o kapangyarihan ng numerong 1 at ang zodiac sign na Leo sa iyong buhay sa halip na ang numerong 7. Ganito ang gawin mo:
Una, makipag-kaibigan ka sa mga taong isinilang sa zodiac sign na Aries,
Aquarius, Sagittarius at kapwa mo Leo. Sa piling ng mga zodiac sign na nabanggit, makadarama ka ng init ng damdamin at kakaibang sigla upang kusang kumilos ang iyong mga paa at kusang sisigla ang tibok ng iyong puso at sa ganitong paraan, mas madali ka nang makapag-aasawa.
Pangalawa, dapat magsuot ka ng gold na singsing na may palamuting batong
sardonyx. Ang talisman na ito ay magsilbing anting-anting, pang-akit ng suwerte, hindi lang sa pag-aasawa at sa pag-ibig kundi sa halos lahat ng aspeto ng iyong buhay.
Samantala, sundin mo muna ang mga rekomendasyong binanggit para makapag-
asawa ka at makikita mo, sa sandaling nasunod mo ang mga tagubilin sa itaas, ayon sa
iyong Love Calendar, sa 2021, hindi pa huli ang lahat, pagtuntong mo ng edad 42 patas, pinakamatagal na sa taong 2022 sa edad mong 43 pataas sa buwan ng Setyembre hanggang Disyembre, magkaka-boyfriend ka na hanggang sa tuluyang makapag-asawa at magkaroon ng maligaya at panghabambuhay na pamilya hatid ng lalaking isilang sa zodiac sign na Aries.




Comments