Kabilang ang mga doktor at nurses | 530 staff ng UST Hospital, naka-quarantine dahil sa COVID-19
- BRT
- Mar 23, 2020
- 1 min read

Tinatayang 530 staff ng UST Hospital sa Maynila ang isinailalim sa quarantine.
Ayon sa opisyal na pahayagan ng UST na The Varsitarian, batay sa statement ng UST Hospital management, kabilang sa naka-quarantine ang mga consultant, fellows, resident doctors, mga nurse at mga aid matapos ma-expose sa mga pasyenteng positibo o pinaghihinalaang may coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kaugnay nito, pansamantala ring ititigil ang mga elective procedure sa ilang unit ng hospital.
Itinalaga na rin bilang COVID Unit ang Clinical Division Medical Ward para sa mga pasyenteng positibo sa COVID-19 at mga patients under investigation.
Tiniyak naman ng UST Hospital na patuloy ang kanilang pag-monitor sa sitwasyon at agad na ipaaalam sa publiko ang schedule ng mga operation unit.





Comments