Ikaapat na linggo ng Marso.. National Week of Prayer vs. COVID-19 — P-Du30
- Mylene Alfonso
- Mar 22, 2020
- 1 min read

Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ikaapat na linggo ng Marso bilang National Week of Prayer.
Ito ay sa pamamagitan ng Proclamation No. 934, na nilagdaan ng Pangulo noong Marso 21.
Bunsod na rin ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng may Coronavirus Disease o COVID-19 sa buong mundo na una nang idineklarang pandemic ng World Health Organization noong Marso 11.
Nabatid na kinikilala ng estado ang pagiging relihiyoso ng mga Filipino at ang kahalagahan ng pananampalataya para sa kapayapaan, pagkakaisa, pagdadamayan at bayanihan sa oras ng kagipitan.
Matatandaang, inilabas din ang Proclamation No. 922 para isailalim sa State of Public Health Emergency sa COVID-19 outbreak.
Habang ang Proclamation No. 929 ay nagdideklara naman ng State of Calamity sa buong bansa sa loob ng anim na buwan at ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.





Comments