top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

China, hindi na nakapagtatala ng bagong kaso ng coronavirus, ayos!

  • Pabs Hernandez III
  • Mar 22, 2020
  • 2 min read

MOCHA USON BLOG, BABU NA SA FACEBOOK — Nagalit ang taumbayan sa paninira ni Mocha Uson sa mga diskarte ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa paglaban sa coronavirus sa kanyang nasasakupang lungsod at dahil d’yan ay nagkaisa ang mayoryang netizen na ipanawagan sa Facebook na tanggalin ang Mocha Uson blog.

Akalain mo ‘yun, mas nauna pang nalusaw ang FB page ni Mocha kaysa COVID-19, boom!

◘◘◘

COVID-19 SA CHINA, WALA NA — Sa nakalipas na tatlong araw ay wala nang naiatalang bagong kaso ng coronavirus sa Wuhan City, Hubie at sa buong mainland China. Kaya naman, asahang sa mga susunod na araw ay balik na sa normal ang pamumuhay ng mga Chinese sa kanilang bansa.

Kaugnay nito, nanawagan ang World Health Organization (WHO) sa gobyerno at mamamayan ng iba’t ibang bansa na magtulungan sa paglaban sa coronavirus, tiyak na mawawala rin ang virus kasi kung sa China na siyang pinagmulan nito ay naglaho ito, hindi imposibleng mangyari rin ito sa iba’t ibang bansa, period!

◘◘◘

BALIK-NORMAL NA PAMUMUHAY SA JAPAN — Sa kasagsagan ng pananalasa ng coronavirus sa Japan ay umabot sa 900 katao ang nadale ng virus at 35 ang naitalang patay, pero dahil sa mabilis na aksiyon at natuklasang gamot na panlaban ng Japan ay hindi na nadagdagan ang namatay. Sa ngayon ay nasa mabuting kalagayan na rin ang 757 nasa ospital, samantalang 18 katao na lang ang nasa kritikal na kondisyon.

Balik-normal na ang pamumuhay sa Japan, dahil bukod sa balik-eskuwela na ang mga estudyante, balik-trabaho na ang mamamayan ay tuloy na rin ang 2020 Tokyo Olympic na idadaos mula Hulyo 22 hanggang August 9, 2020, palakpakan naman d’yan!

◘◘◘

PARA IWAS-PANIC, HUWAG MAGBILANG NG MGA NAMAMATAY SA VIRUS — Kaya nagpa-panic ang mga Pinoy sa coronavirus ay dahil mas binibilang ang tinamaan ng virus at ang namatay. Hindi sila nagpo-focus sa mga gumaling at nasa mabuting kondisyon.

Dapat sa mga good news lang mag-focus ang mga Pinoy at hindi sa bad news na pagbibilang ng patay, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page