Pinoy sa Korea, positibo sa COVID-19
- BRT
- Mar 21, 2020
- 1 min read

Isang Filipino ang nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa South Korea.
Ayon sa Philippine Embassy sa Seoul, natanggap nila ang kumpirmasyon mula sa Korea Centers for Disease Control and Prevention (KCDC).
Ito umano ang unang confirmed COVID-19 case na Filipino sa nasabing
bansa.
Napag-alaman na nagkaroon ng travel history sa ibang bansa ang pasyenteng Pinoy bago nakaranas ng mga sintomas.
Kaugnay nito, sinuri ang Pinoy sa isang ospital sa South Korea noong March 19 at lumabas ang resulta na positibo ito noong March 20.





Comments