Olympian Pinay weightlifter Diaz hinimok ang lahat na magpakatatag
- Gerard Arce
- Mar 21, 2020
- 2 min read

Imbes na magmukmok dahil sa pagkakaliban ng isang torneo para mapaangat pa ang posisyon sa 2020 Tokyo Olympics, nanawagan na lamang si 2016 Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz na maging matatag ang lahat sa sitwasyon ngayon.
Nanlulumo man sa hindi pagkakatuloy ng South American-Ibero American and Open Senior’s Championship na nakatakda sana noong Marso 18-23, nagbigay na lamang ito ng motibasyon sa lahat laban sa pagkalat ng COVID-19.
“There are things we can’t control and we can’t do anything, the effects of N-Covid19 is something unimaginable,” wika ng 28-anyos sa kanyang social media account.
Ang torneo sa Timog-Amerika ang magbibigay sana sa kanya ng ticket patungong Summer Games na magbubukas sa Hulyo 24-Agosto 9 sa Tokyo, Japan. Ngunit gaya ng inaasahan na nagaganap sa ibang bansa, naglabas rin ng travel ban ang Columbian government sa lahat ng nais pumasok sa bansa nito.
Naging malaking bagay para sa 2018 Jakarta-Palembang Asian Games champion na magwagi ng tatlong gintong medalya sa 2020 Weightlifting World Cup sa Rome, Italy para sa women’s under-55kgs category.
Kasalukuyang nasa ika-5th place si Diaz sa International Weightlifting Federation world ranking na may 3,717.0982 puntos sa likod ng mga Chinese weightlifters na sina Jing Huihua, Liao Quiyun, Zhang Wangqiong at Li Ya Jun. Gayunman, ayon na rin sa panuntunan ng IWF, tanging isang weightlifter lamang kada bansa ang makapapasok sa Olympiad. Nauna nang nakansela ang 2020 Asian Championship na magsisilbing OQT sa Uzbekistan dahil sa COVID-19.
“Most of my Olympic Qualification events are postponed or cancelled, travel ban, city lockdown and country lockdown. Panic, fears and frustration is controlling us right now,” pahayag nito.
Kasabay ng panigurong paghahanda ay pinaalalahanan rin nito ang lahat na manatiling malinis sa sarili at sumunod sa anumang ipinag-uutos ng batas at maging maingat sa lahat.
“To my friends, family, supporters, fans, church mate, kabaro at buddy sa Airforce at co-athletes, please take care, wash your hands and social distancing.”





Comments