Martial Law sa kasagsagan ng coronavirus, ‘di malabong mangyari
- Ka Ambo
- Mar 21, 2020
- 1 min read
Mahirap ang lagay ng buhay ngayon.
Pero ito ay nararanasan sa buong mundo!
◘◘◘
TULUNG-TULONG lahat ng bansa kontra sa “pandemonyo.”
Ito rin mismo ang magiging sitwasyon kapag iniulat ng NASA na may sasalpok na asteroid sa earth – lahat ng bansa ay magpapanik!
◘◘◘
WALANG may alam kung kalian matatapos ang krisis.
Kahit humupa ang virus, may krisis pa rin.
Guguho ang ekonomiya sa buong daigdig!
◘◘◘
MAGKAKAROON ng katwiran ang mga lider ng bansa na ideklara ang Martial Law.
Ito ay kapag niransack ng mga nagugutom ang mga tindahan at bodega!
◘◘◘
SA ngayon ay sobra-sobra pa ang supply.
Pero sa Mayo, Hunyo, Hulyo – meron pa kaya?
◘◘◘
MARAMI ang nawalan ng pagkakakitaan.
Saan sila kukuha ng pambili ng pagkain?
◘◘◘
NAALALA ko ang kuwento ni Tatang Sucing at Inang Talia sa panahon ng okupasyon ng Japanese forces.
Walang makain at hindi makalabas ng bahay ang mga Pinoy dahil may giyera!
◘◘◘
SA panahon ng giyera, nakikita ang kalaban.
Pero ngayon, “invisible” ang kalaban!
◘◘◘
MALAKAS na immune system ang panlaban sa virus.
Umiwas magpuyat at huwag magpagod!
◘◘◘
KAILANGANG kumonsumo ng masustansiyang pagkain, mag-ehersisyo at uminom ng maraming tubig.
Kailangan din maligo at maging malinis sa katawan at presko ang pakiramdam!
◘◘◘
HINDI dapat ma-stress, maburyong at kailangang maging kalmado at payapa ang isip.
Ipahinga ang isip at kaluluwa sa pagdarasal at meditasyon!
◘◘◘
HINDI tinatamaan ng virus ang mga paslit dahil payapa ang kanilang isip.
Wala silang problema at masaya ang kanilang buhay kaya ligtas sila sa COVID-19!





Comments