5 bus dinonate ni Pacman para sa health workers
- Alvin Olivar
- Mar 21, 2020
- 1 min read

Nagkaloob ng donasyong 5 malalaking buses si 8th-time World Division Champion at Senator Manny Pacquiao sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang masakyan nang libre at maghahatid-sundo sa mga healthcare workers at iba pang frontliners.
Dahil sa ipinatutupad na total lockdown sa buong Pilipinas magagamit ang mga naturang sasakyan ng medical staffs.
Unang nag-donate ang senador ng 700,000 piraso ng facemask upang magamit ng mga tauhan ng MMDA, PNP, AFP, Department of Health (DOH) at Research Institute for Tropical Medicine.
Kasangga ng world champion sa foundation ang kanyang kaibigan na Chinese billionaire na si Jack Ma na nagkaloob ng 50,000 na COVID-19 testing kit para sa bansa.





Comments