top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Lotlot, kinampihan si Nora vs. Lolit Solis

  • Julie Bonifacio
  • Mar 20, 2020
  • 3 min read

Umalma ang mga Noranians sa ipinost ng kilalang talent manager na si Lolit Solis sa pagbanggit niya kay Nora Aunor bilang joke tungkol sa alaga niyang aktor na si Christopher de Leon na tinamaan ng COVID-19.

Si Christopher a.k.a. Boyet sa showbiz ay nagpositibo sa COVID-19 virus. But now, balitang nagpapagaling na si Boyet from that dreadful disease.

Eto ang nilalaman ng post ni Lolit na kumalat sa social media, "Siguro nga, dapat nating gayahin ‘yung ugali ni Christopher de Leon. Si Christopher, dahil sa mga naranasan sa buhay niya, always listened to his body. Isang anak ni Boyet ang cancer survivor, si Sandy Andolong ay nag-undergo ng kidney transplant, muntik mameligro ang buhay niya sa aksidente sa taping niya nang tamaan siya ng blank bullet sa singit at muntik mamatay sa sepsis. Kaya dahil sa mga pangyayaring ito, konti lang feeling of pain or discomfort, takbo agad siya sa doktor.

“Iyan ang naging dahilan kung bakit maaga niya na-detect ang coronavirus. Konti sinat at ubo, nagpatingin agad siya kaagad sa doktor. Iyong sa early stage pa lang, detected mo na mas madali ang cure. Biro ko nga, kung si Nora Aunor, nalagpasan mo at kinaya si coronavirus pa, hindi naman siya superstar. Joke, joke, basta alam ko, kakayanin ito ni Christopher de Leon, with flying colors.#classiclolita #takeitperminutemeganun #72naako."

Hindi ikinatuwa ng mga tagahanga ni Nora ang post na 'to ni Lolit. Unang-una na d'yan si Albert Sunga na matagal nang Noranian at nakasama pa ang Superstar nang matagal.

Ini-repost ni Albert sa kanyang Facebook account ang post ni Lolit kasama ang paglabas ng kanyang saloobin.

Mensahe ni Albert, "For real-lolitsolis? Isama sa "biro" mo si Nora Aunor na nananahimik? If u want to be funny, ‘wag naman po sanang idamay ang ibang taong wala namang kinalaman. This is so sad. I pray for Papa Boyet. And God bless u Manay@akosilolitsolis, ‘wag naman sanang mangyari na "the joke is on you."

Hindi rin nagpapigil ang iba namang showbiz writers na solid Noranians din gaya nina Rey Pumaloy, Rodel Fernando, Ismaeli Favatini at ang direktor din na si Ronald Rafer at may kani-kanya rin silang pitik kay Lolit.

Samantala, natuwa naman ang iba na nag-comment din ang panganay na anak nina Nora at Boyet na si Lotlot de Leon sa FB post ni Albert ng ganito, "I agree."

Hindi lingid sa showbiz na may 'something' between Nora and Lotlot. And yet, 'di natiis ni Lotlot na iparating ang kanyang damdamin sa inaakala niyang paglalagay sa alanganing sitwasyon sa pangalan ng kanyang ina.

Harinawang ngayong panahon na napaka-uncertain ng buhay ng mga tao, magsimula ang pagkakaayos nina Nora at Lotlot.

Kaya marami ang natuwa nu'ng mabalitang nagkaayos na ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion, ‘di ba?

It's about time na magkabati-bati na ang magkakapamilyang nagkaroon ng ‘di pagkakaunawaan.

♥♥♥

Ronnie, singer na, sundalo pa

Naisakatuparan na ng singer-actor na si Ronnie Liang ang pangarap niya na makatulong sa ating bansa bilang Army reservist. Isa si Ronnie sa ating mga 'frontliners' na tumutulong para sa kinakaharap na "giyera" sa bansa kontra COVID-19.

Noon pa mang Marawi siege ay gustung-gusto na niyang tumulong. Pero wala siyang kakayahan na tumulong noon. Kaya naman naisipan niya na maging bahagi ng ating kasundaluhan.

"Kailangan nating magtulungan para maiwasan ang pagdami ng COVID-19 positive. Ipinatawag ako para maghatid at sundo sa mga health workers, frontliners natin na patuloy na nagse-serve sa atin sa COVID-19 battle na ito," mensahe sa amin ni Ronnie via social media.

Nag-join si Ronnie sa Army during the Marawi siege noong 2018. Natapos niya ang kanyang training under Army "Pambato" Division last February 14 at nakakuha siya ng ranggo bilang 2nd Lieutenant.

Nakita raw niya kung gaano ka-dedicated ang mga sundalo natin. And part of his responsibility as Army reservist is to help others.

"As one of the frontliners, sinasabi rin namin sa checkpoints na paunahin kami para mas mapabilis ang paghatid sa mga nurse, doctor. To lift their spirit up, hinarana ko rin sila, konting kanta. Paiba-iba, palipat-lipat kami ng assigned pick-ups. Let’s show compassion. Let’s help each other. Magandang pagpapakita rin ito na maaasahan ang mga Army natin," pahayag pa niya.

Kahit naka-lockdown daw, tungkulin pa rin nila as Army reservist na lumabas at tumulong.

"Talagang nagpapalakas ako ng resistensiya. I eat healthy din para naman mas marami pa tayong maihatid at masundong nurses, health workers."

At may pa-bonus pa si Ronnie sa mga gawain niya as Army reservist. Inaaliw din niya ang ating mga kababayan sa pamamagitan ng kanyang pagkanta. Hinarana ni Ronnie ang mga taga-Caloocan sa Monumento.

Wow, may bago na siyang title as “The Singing Army Reservist" ng bansa.

Keri.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page