top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg
Search

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | August 24, 2021




Ilang araw nang pinag-uusapan ang pag-unfollow ni Paolo Contis sa live-in partner niyang si LJ Reyes sa Instagram, pati ang pagtanggal niya ng masasayang larawan nila kasama si Aki na anak ng aktres kay Paulo Avelino.


Bukod-tanging larawan lang nila ng anak nila ni LJ na si Summer ang itinira ni Paulo at mga larawan ng co-actors niya sa mga ginawa niyang pelikula tulad ni Yen Santos.


Pero si LJ ay patuloy pa ring naka-follow sa ama ng anak niyang si Summer.


May sagot na ang mga haka-hakang hiwalay na ang dalawa dahil kinumpirma na nga ng talent manager na si Manay Lolit Solis na hiwalay na ang dalawa sa kanyang Instagram post nitong Linggo nang gabi.


Ang caption ni Manay Lolit sa ipinost niyang larawan nina Paolo at LJ, “Naku, ha, smokes screen naman masyado iyon tsismis na isinasali sa hiwalayang Paolo Contis at LJ Reyes iyon pangalan ni Yen Santos, Salve. Open secret naman o silent whisper kung sino talaga ang karelasyon ni Yen Santos, 'noh! Huwag na siyang isali at baka kung ano pa ang lumabas, mas shocking pa ang mangyari.”


At ipinagdiinan ng talent manager na walang 3rd party sa paghihiwalay ng dalawa.


“Walang 3rd party sa hiwalayan Paolo Contis at LJ Reyes, it was a matter of na-outgrow na nila ang romance sa kanilang relasyon.


“Kesa naman humantong pa sa pag-aaway, mas gusto na nila na maghiwalay nang maayos, at dasal na mag-end as friends.


“Huwag na natin idamay pa si Yen Santos dahil may sarili siyang love story kaya hindi siya kasali sa love life nila Paolo at LJ, 'noh!


“Huwag nang guluhin ang issue, huwag nang magdagdag ng casting para hindi lumaki ang production cost, hah-hah. Stop na natin script sa ending nina Paolo at LJ, huwag nang dagdag subplot para hindi gumulo ang istorya.


“Ganu'n lang iyon, nawala ang romance, stop, bago maging horror story. Bongga, 'di ba, Salve at Gorgy, ayaw n’yo ng triangle love affair, 'di bah? Kaya, tapusin na du'n ang story. Finish na. Babuuuu ! #classiclolita #74naako #takeitperminutemeganun.”


Hindi naman naniniwala ang netizen na si @colleen_denice sa sinasabing na-outgrow na ang romance dahil kung laging ganu'n ang dahilan ay walang mabubuong pamilya.


Aniya @colleen_denice, “Ganern, may pa-outgrow ng romance? Kung ang lahat ng tao, may ganyang pag-iisip, walang buong tahanan. Walang buong pamilya. I understand pa if maghiwalay kasi merong 3rd party, may pang-aabuso na involved. Pero 'yung na-outgrow ang romance? Bullsh*t. Mawawala ang romansa sa isang couple kapag 'yung isa, eh, nakahanap na ng bagong romansa sa iba.”


Iba naman ang paniniwala ni @kaylavldz sa hiwalayan, “Parang si Paolo, lumaki ang ulo. Siyempre, mas marami siyang projects kay LJ ATM (at the moment). Parang love story lang nina Chris Pratt at Anna Faris (Hollywood actors, naghiwalay after 8 years of marriage).


Sumang-ayon naman si @jemappellekristel sa hiwalayan at ikinumpara pa kina Carmina Villaroel at Rustom Padilla na ngayon ay kilala bilang si BB Gandanghari.


“Korek! Except sa case nina Carmina at Rustom na 'yang 'outgrow' din ang idinahilan ni Carmina pero ‘yun ay para itago ang kanyang kasarian. Hmmm, teka langgg, baka naman. Pakulot ko nga hair ko. Char.”


Bukas ang BULGAR sa panig nina LJ at Paolo.

 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | August 14, 2021



Mabuti na lang at matagal nang napag-aralan ni Kris Aquino ang ‘dedmatology’ dahil hindi na siya mahilig magsasagot sa mga bashers niya. Pero kapag below the belt at sangkot ang pamilya’t mga anak ay talagang para siyang tigre.


Laman na naman kasi ng balita ang mama nina Josh at Bimb dahil sa mga pasabog nito katulad ng bagong inspirasyon niya na pa-blind item pa sa simula, pero isang araw pa lang ang nakalilipas ay may pangalan na.


In fairness to Kris ay hindi naman siya ang nagbuking kung sino ang lalaking nagpapasaya sa kanya kundi si Ginoong Mel Senen Sarmiento mismo, kaya unfair sa TV host na paratangan siyang ‘narcissistic’ at kung anu-ano pa, kaya umeksena na ang mystery guy.


Anyway, hindi na sinagot ni Kris ang iba pang bashers, ang mga nagtatanong ng pangalan ni Ginoong Mel ang sinagot niya, na i-scroll down na lang daw sa post niya at malalaman na kung sino.


Maraming bumati at natuwa sa love life ni Kris at isa na si Manay Lolit Solis na reyna ng intriga.


Say ni Manay Lolit, “Exciting na naman ang showbiz kahit sa chismis lang, Salve. O hayan, hindi na tago ang bagong love life ni Kris Aquino. At least, 59 years old at may career at mukhang very manly dahil sinagot ang isang nag-comment sa social media.


“Totoo naman iyon, ang problema lang naman talaga, 'pag si Kris ang GF mo, masyadong public, kaya ang tendency, 'pag nag-break, buong bayan, alam. Hindi naman kasalanan iyon ni Kris dahil isa siyang public figure, habulin ng balita dahil newsmaker, pero bakit kailangan makaapekto iyon sa naging karelasyon niya?


“Nasa kanila naman iyon kung paano dadalhin, so very public kayo, ano'ng problema? Basta mahal mo, ipagmalaki mo, ipaalam mo sa buong bayan. Kung wala na, di wala, tahimik na. Pero dahil nga sobrang laki ng pangalang Kris Aquino, siyempre, parang nasa shadow ka nito for a long time, kaya every now and then, mababanggit ka pa rin.


“Hindi na kasalanan iyon ni Kris. Mukha namang kayang-kaya ito ni Mr. Mel Sarmiento, dahil on his own, marami rin siyang achievements. Kung lumantad man siya, kaya niyang dalhin, kaya niya lahat tanggapin.”


Hindi pa personal na magkakilala sina Ginoong Mel at Manay Lolit pero wini-wish niya na ito na ang makatuluyan ni Kris.


Aniya, “Sana nga, ito na ang 'the man'. Sana nga, ito na ang talagang nakatakda para kay Kris Aquino. Sana, ito na ang kanyang forever. Ang magiging father nina Joshua at Bimby. Ang bubuo ng pamilya ni Kris, ng safety haven for her. Congrats Kris, stay safe and happy.”

 
 

BABY AT HARING TULAD NI DINGDONG?!


ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | July 21, 2021



Hindi nagustuhan ng mga netizens ang pagkukumpara ni Manay Lolit Solis kina Marian Rivera at Bea Alonzo nang lumipat ang huli sa GMA-7 dahil nga reyna ang asawa ni Dingdong Dantes sa Kapuso Network at reyna ring maituturing ang dating Kapamilya actress.


Ayon kay Manay Lolit ay naagawan na ng korona ni Bea si Marian kasi nga, nasa poder na siya ng GMA-7.


Eh, teka, hindi ba’t ‘reyna’ rin si Jennylyn Mercado since produkto siya ng StarStruck 1?

Anyway, ang paliwanag naman ni Manay Lolit, “Hindi ko na naman ma-understand ang galit ng mga fans sa naging opinion ko at na-post, Salve. Talaga siguro dapat cool at chill ka lang lagi. Sa hirap ng buhay at sitwasyon natin, siguro nga, madali mag-flare up ang emosyon ng tao. Iyon bang dapat lang meron kang fallback sa problema mo, para malimutan mo sandali. Hah hah, iyon bang konti pagkakaiba ng outlook ninyo, big deal na talaga.


“Hay naku, wasted energy talaga iyon sasali ka sa isang issue na ikaw na mismo nagsasabi na hindi puwede mangyari. Hindi pala puwede, why waste your time?


“Sige na, ok na, gawin na lang natin emotional outlet ang comment section ng IG, hindi ako magagalit dahil karapatan n'yo, sabi ko nga huwag lang bastos, tanggap ko.


“Opinion ko iyon, at sana nga, ako lang ang nag-isip ng bagay na iyon. Masarap din makita na ang dami palang nagmamahal kay Marian Rivera at kahit kay Bea Alonzo. Nice. Sweet.


“Good competition kung magkakaroon. So, mea culpa, sorry sa ginawa kong comparison, huwag nang high blood, ayaw ni Delta, Lambda, at Beta variant ng COVID, baka maghasik ng lagim. Hah hah joke joke.


“Enjoy na lang tayo, huwag na nega, hindi maganda. 'Pag galit, nagkakaroon ng wrinkles, tumatanda. 'Pag naka-smile, happy ang mood, maganda ang paligid. Maging kamukha tayo nina Marian at Bea, mas mabuti 'di bah! #classiclolita #takeitperminutemeganun #74naako"


Sabi ni @sabsamros, “Wrong comparison po kasi talaga. A woman’s contentment in life doesn’t come with how many kids she has or how perfect her husband is. Hindi lang 'yun ang sukatan para sabihin na masaya ka sa buhay."


Sumang-ayon din si @fairmaiden70, @sabsamros I totally agree. Gone are the days na 'yan lang ang kaligayahan ng mga babae. Iba na ngayon. We are now empowered.”


“Manay, I’m always reading your IG post and opinions but this time, I will not agree with this. Yes, Marian is still a queen of GMA-7, admit it, but the way you (are) comparing Bea to Marian? Like may dalawa ba siyang cute na baby? May king ba siya gaya ni Dingdong? Hindi na, parang kaipokritahan na 'yan?”


“Ano ba 'yan, parang pinag-aaway mo pa sina Marian at Bea. Imbes na walang issue sa kanilang dalawa, ginagawan mo pa?”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page