COVID-only hospital, mag-o-operate na
- BRT
- Mar 20, 2020
- 1 min read

Nagtalaga na ang Department of Health (DOH) ng mga ospital sa Metro Manila na para sa mga pasyenteng may COVID-19.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, dalawa pa lamang ang natukoy nila sa ngayon at ito ay ang UP-Philippine General Hospital sa Maynila at ang Dr. Jose Rodriquez Memorial Hospital sa North Caloocan.
Binigyang pahintulot ang PGH na gawing exclusive para sa mga positibo sa COVID-19 ang isang gusali doon habang ang Dr. Jose Rodriquez Hospital na nasa ilalim ng pamamahala ng DOH ay gagawing specialized COVID hospital.
Posibleng sa susunod na linggo aniya ay makapagsimula na ng operasyon ang mga ito bilang COVID-only hospital.





Comments