1918 Flu Pandemic, palaisipan sa mga eksperto dahil deadly kahit malakas ang katawan ng tao
- Sr. Socrates Magnus II
- Mar 20, 2020
- 2 min read
Bigyang-daan natin ang pagpapatuloy sa kasaysayan ng mundo na may kaugnayan sa mga salot, peste at mga karamdamang pumatay ng napakaraming tao.
1889 - 1890 - Flu Pandemic ang pumatay ng isang milyong tao sa mundo. Bilang paglilinaw, ang flu ay influenza o trangkaso.
Sa una, ang salot o sakit na ito ay tinawag na Asiatic Flu o Russian Flu na ang strain o klase ng flu ay mula sa Influenza A virus na subtype H2H2, subalit natuklasan na ito pala ay mula sa Influenza A virus subtype H3N8. Ang unang kaso ng sakit na ito ay nakita noong May, 1889 sa tatlong magkakahiwalay na lugar sa Bukhara sa Central Asia na ngayon ay ang Turkestan, ang isa pa ay lumabas sa Athabasca sa Northwestern Canada at ang isa pang kaso ay lumitaw sa Greenland.
Sa panahong nabanggit, ang populasyon ng mundo ay mabilis dumami kaya lalo pang lumala ang paglaganap ng salot sa mga siyudad at bayan. Ito ang kauna-unahang epidemic sa panahon na ang mundo ay natututo pa lang ng mga kaalaman sa larangan ng bacteriology.
1910 - 1911 - Mahigit 800,000 katao ang namatay dahil sa Sixth Cholera Pandemic. Nagmula ito sa India at lumaganap sa Middle East, North Africa, Eastern Europe at Russia, gayundin, ito ang sanhi ng American outbreak of Cholera. Samantala, natuklasan ng mga eksperto na mabilis na ihiwalay ang mga dinapuan ng saki kaya hindi lumagpas sa 11 death ang naitala sa bansa.
Sa ngayon, ang cholera ay hindi na gaanong nananalasa sa mga bansa na mauunlad, gayunman ito ay patuloy na nararanasan ng mga mahihirap na pamayaman.
1918 - Ang Flu Pandemic ang naging sanhi ng pagkamatay ng 20 milyon hanggang 50 milyon katao. Sa pagitan ng 1918 hanggang1920, ang nakagugulat na paglitaw ng influenza ang sumira sa buhay sa mundo na tulad ng nasabi na, 20 milyon hanggang sa 50 milyon ang namatay.
Base sa tala, 500 milyong tao ang nagka-trangkaso at ang mortality rate ay tinatayang 10% hanggang 20% kung saan 25 milyon ang namatay sa unang 25 weeks.
Ang pagkakaiba ang flu na ito sa iba pang uri ng flu na lumitaw sa mundo ay ang sa mga unang flu, namamatay ang may mahihinang katawan tulad ng bata o matatanda at ang mga may sakit na bago pa man magkaroon ng trangkaso, habang ang bagong flu ay nakamamatay kahit may malakas na katawan at malusog ang indibidwal. Dahil dito, natuliro ang mga dalubhasa dahil malakas ang bagong flu.
(Itutuloy)




Comments