Sa gitna ng lockdown, tiniyak ng gobyerno Serbisyo ng tubig, kuryente, telecom at internet, tuloy
- Mylene Alfonso
- Mar 19, 2020
- 1 min read

Tiniyak ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease na mananatiling bukas ang basic utility services sa harap ng umiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon at State of Emergency naman sa buong Pilipinas.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, hindi dapat magkaroon ng pagtigil sa operasyon ng mga nagbibigay ng basic utilities tulad ng tubig, kuryente, telecommunication at internet.
Bukod dito, wala rin aniyang dapat na makitang suspensiyon sa operasyon ng mga gas stations gayundin ang serbisyo na ipinagkakaloob ng mga punerarya.





Comments