May COVID-19 sa bansa, 217 na — DOH
- Madel Moratillo
- Mar 19, 2020
- 1 min read

Umakyat na sa 217 ang bilang ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na naitala sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ng 15 bagong kaso ang Department of Health (DOH) ngayong araw.
Kaugnay nito, inanunsyo ng DOH na may isang pasyente pa ang gumaling mula sa virus.
Ito ay si PH20, na isang 48-anyos na lalaking Pinoy mula sa Cavite.
Ang pasyenteng ito ay may travel history sa Japan at na-admit sa Research Institute for Tropical Medicine.
Na-discharge ito sa ospital matapos suriin nang dalawang beses at parehong nagnegatibo sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 8 ang gumaling sa bansa mula sa COVID-19.





Comments