Durant at iba pang Nets NBA players may COVID-19
- MC
- Mar 19, 2020
- 1 min read

Nasa isolation period ngayon si NBA superstar Kevin Durant nang maiulat na maging ang iba pang apat na Brooklyn Nets player ay nasuring positibo rin sa coronavirus.
Mula pa noong nakaraang taon ay hindi nakapaglalaro si Durant sa Nets mula nang lumagda ito sa naturang team dahil na rin sa iniindang injury at kinumpirma ng The Athletic website na nasuri siyang positibo sa virus.
"Everyone be careful, take care of yourself and quarantine. We're going to get through this," saad ni Durant.
Ayon sa ulat, ang 2-time NBA Finals MVP ay kabilang sa mga naging infected ng virus matapos na kumpirmahin ng Nets na may 4 na nasuring positibo sa COVID-19 sa team.
"Four Brooklyn Nets players have tested positive for the COVID-19 virus," saad ng team. "Of the 4, one player is exhibiting symptons while 3 are asymptomatic. All 4 players are presently isolated and under the care of team physicians."
Aalamin din ng Nets kung sinu-sino ang kanilang mga nakasalamuha sa teams lalo na noong huling naglaro ang mga ito bago pa nasuspinde ang NBA season games noong Marso 12.
Huling nakalaban ng Nets na team ay ang Western conference-leading Los Angeles Lakers na tinalo ng Nets sa 104-102 noong Marso 10.
"All players and members of the Nets travel party are being asked to remain isolated, closely monitor their health and maintain constant communication with team medical staff," ayon sa Nets.





Comments